"Zillion, kumusta na kayo ni Angela?" tanong ni Daddy habang nagdi-dinner kami isang gabi.
Nginuya ko muna ang isinubo kong pagkain. Si Mommy naman, nagsalita din. "Nagiging busy ka yata lately."
"We're okay, Dad! Busy lang po talaga. Mommy, andami kasing activities sa school. Nagli-layout na rin po kami ng school paper namin.." sagot ko nang nalulon ko na ang pagkain sa bibig ko. Hindi ako sanay magsinungaling, kaya muntik na akong mahalata. Totoo namang feature editor ako ng school paper namin na Bravery. Ang hindi lang totoo ay busy ako. Hindi naman ako ganun kaabala para mapabayaan ko na si Angela. Sadya lang talagang malamig na ang pagmamahalan namin.
"Ah, ganun ba?!" si Mommy. Kumbisido.
Pero si Daddy, hindi. "Balita ko.. bihira ka na mag-text, makipag-chat kay Gelay.."
"Po?" Nabigla ako. Bigla akong napatingin sa kanya.
"Nagtatanong sa akin ang aking Wattpad pamangkin na iyong Wattpad lover. Ano daw ba ang pinagkaka-busy-han mo?"
"Yun nga po, Dad!" mabilis kong sagot. Napasubo din ako agad ng pagkain.
"Anak.. ipinaglaban ni Gelay ang pag-ibig niya sa'yo. Saksi ako kung paano kayo naghiwalay at nagkabalikan.. Although, mga bata pa kayo, pinayagan ko kayong mag-ibigan. Pero, ngayong nagiging abala ka sa mga bagay at napapabayaan mo na ang relasyon niyo, hindi naman ako papayag na masira iyon. Inspirasyon niyo ang isa't isa.."
Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang si Daddy.
"Zillion, tama ang Daddy mo. Huwag mong pabayaang masira ang relasyon niyo ni Gelay. Napakabait niyang. Kaya nga pinapayagan ka namin sa mga gusto mo. Kapag gusto mo siyang makita, hinahatid ka ng Daddy mo..." ani Mommy.
"Sorry kung naging busy rin ako. Hindi na kita maihatid para magkita kayo. But, I'm trying to find time.. "
"Okay lang po, Dad. Hayaan niyo po.. Sisikapin kong makipag-communicate kay Gelay lagi.." pangako ko. Pero, hindi ko alam kung magagawa ko, ngayong si Arla na ang laman ng isip ko.
No comments:
Post a Comment