Followers

Sunday, July 27, 2014

Hijo de Puta: Singkuwenta y kuwatro

Hinarangan ko ang pinto para di makalabas si Paulo. Ayokong umalis siya nang di nalalaman ang totoo. Tinawag ko sina Lemar at Jake. "Halikayo dito. Sabihin niyo ang totoo kay Paulo!"

Lumabas ang dalawa nang nakatakip ang kanilang mga ari gamit ang kanilang mga kamay. Nang pinagmasdan ni Paulo ang dalawa, saka ko pinagbihis ang dalawa. Pagkabihis nila, nagsalita na ako. "Si Paulo ang bestfriend ng babaeng mamahalin ko. Pareho kaming nagtratrabaho sa call center." Nakita kong umalma si Lemar, ngunit pinigilan kong sumingit. "..pero magkaibang company.. Gusto kong sabihin niyo sa kaibigan ni Lianne na hindi ako bading. Lemar?"

Nag-isip si Lemar. Tiningnan niya muna ako. Lumunok, saka nagsalita, "Bisita lang kami ni Hector. Hindi niya alam na may ginagawa kaming dalawa. Kaya naman nakaganyan si Hector ay dahil sanay siyang ganyan ang suot niya sa pagtulog.. Hindi siya bading. Ako.. ako ang bading." Tiningnan niya si Jake. Tiningnan niya rin ako. Tila, totoo ang sinasabi niya. 

"Yun naman pala, e.. Sige.. aalis na ako, Hector. Sorry sa istorbo. Sige na, tuloy niyo na ‘yan. Pogi nitong jowa mo.." Biro pa ni Paulo. 

"Sigurado ka?" tanong ko kay Paulo. mukhang sarkastiko siya.

"Oo, Hector.. Naniniwala na ako. Hindi ka bading. Wag kang mag-alala, hindi na ito malalaman ni Lianne. Basta ipangako mo na hindi ka magpapatikim sa kanya." Itinuro niya si Lemar. Masama ang tingin niya. 

Natawa ako. "Okay.." Inihatid ko siya hanggang pintuan. 

"Ang gwapo mo, Hector para maging bading.. " bulong ni Paulo. "Kung papatol ka lang naman sa kapwa mo, sana ako na lang ang unahin mo.. Joke! Bye.."

Nakahinga ako ng maluwag nang nakaalis na siya.



No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...