Marami ang tinatayuan ng ano sa performance ni Lemar kanina. Balewala na nga ako. Pinahiga niya lang ako. Minasahe. Pinatihaya. Hinimas. Yun na! Siya talaga ang nagdala ng show. Mahusay. Kaya naman, malaki daw ang kinita niya sa tip. Marami ang nagtable sa kanya. Ako naman, tama lang. Wala kasi akong ganang mang-arouse. Apektado pa rin ako sa problema ni Jake. Natatakot ako para sa sarili ko. Baka wala ng babaeng magmahal sa akin kapag malaman nila ang uri ng trabaho ko.
Alas-sais trenta y nuwebe, nasa kalsada ako. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Ang alam ko lang may nais akong marating. Gusto ko nang tumakas sa mundo ng kalibugan. Nandidiri na ako sa sarili ko. Hindi ito ang pangarap ko. Kaya nga nagsumikap akong mag-aral at makapagtapos para maabot ko ang pangarap ko. Hindi sa ganitong paraan. Tama si Caren..
Napadaan ako sa Axis Maritime Agency. Nahanap ko na ang hinahanap ko!
Babalik ako one day para mag-inquire. Gusto kong makasakay ng barko. Twenty-two pa lang naman ako. Hindi pa huli ang lahat.
Naglakad uli ako. Sa kahabaan ako ng Ermita napadpad. Nakarating na ako sa lugar na ito dati.
Sa aking paglalakad, nakita ko si Paulo sa tapat ng Cherry Blossoms Club, isang panlalaking club. Kausap niya ang isang babae na nakatalikod sa kalsada. Nang makita ako ni Paulo, nagmadali ang babaeng kausap niya na pumasok sa club na hindi lumingon saan man. Tapos, kinawayan at nilapitan niya ako.
"Hello, Hector! Why are you here?" bati niya sa akin. Tumingin pa siya sa direksyon ng club. Wala na ang babaeng may highlights ang kinulot-kulot na buhok. Hula ko, isa iyong GRO.
"Ikaw? Bakit ka andito? Sino yung kausap mo?" Nagduda talaga ako.
"Ah..e, nagpagtanungan ko lang. Hinahanap ko kasi ang..ang.. Nag-breakfast ka na?"
"Ang alin ang hinahanap mo?"
"Ang agency ng ate ko.."
Hindi pa rin ako napaniwala ni Paulo. Parang may tinatago siya. Gayunpaman, pinaunlakan ko ang imbitasyon niyang ililibre ako ng almusal.
No comments:
Post a Comment