Followers

Wednesday, July 23, 2014

Red Diary 133

Legs


Pagkatapos ng klase namin, nag-practice ulit kami ng pacing at pagrampa para sa Campus Personality. Unti-unti na kaming nasasanay sa mga sigaw, mura at pagalit ng DI namin. Bukas naman daw ay tuturuan niya kami ng sayaw para sa presentation.

Sinanay na rin kami kanina na maging confident sa sarili. Kaya nga ni-require kami na magsuot ng mga kasuotang nakikita ang mga bahagi ng katawan. Ang lalaki ay pinagsusuot ng puting sando tuwing may practice. Ang mga babae naman ay pinapayuhang naka-short shorts at spaghetti habang nag-eensayo. 

Natatawa ako kay Riz kanina dahil panay ang hila niya sa shorts niya. Nang mapansin ng trainer namin, pinandilatan siya at sinabihang, "Ititigil mo yan o aayaw ka na?"

Naawa naman ako kasi dalawang araw na siyang napagalitan. Hindi lang siya sanay na ganun ang suot niya. Marami pa namang nanunuod sa covered court. Pero, naunawaan ko naman ang nagtuturo sa amin kasi preparation lang iyon sa pageant. Mas matindi pa ang ipapakita niya sa actual competition dahil may swimwear competition.

Sa pagkaawa ko sa kanya, hindi ko napigilan ang sarili ko na lapitan siya nang nag-rest kami.

"Don't give up, Riz.. Kaya mo 'yan. Ipakita mo na kaya mo.." Tatalikod na sana ako para hindi niya ako masinghalan pero nagsalita siya.

"Salamat, Red!" Pabulong niyang sabi. Ngunit para akong nahipnotismo sa tinig niya. Akala ko ay sasabihan niya ako ng wala akong pakialaman. Kaya nginitian ko siya. Nginitian niya rin ako. Shit! Ang ganda pa rin niya sa paningin ko. Lalo kong na-appreaciate ang maiksi niyang shorts.

"Welcome! You look gorgeous sa suot mo. Huwag kang mag-alala ikaw ang pinakamaganda at pinakaseksi sa lahat dito.."

"Salamat uli."

Whoaah! Hindi ko nag-flirt. Totoo lang ang sinabi ko. Napakaganada niya at napakaseksi. Panay nga ang tingin ni Leandro at Nico sa legs niya. Nakigaya na rin ako. Hindi ko kasi ma-aapreciate ang legs ni Michelle, na partner ko.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...