Followers

Tuesday, July 22, 2014

Red Diary 132

Walang Gana

Ginabi ako ng uwi dahil sa unang rehearsal namin sa Campus Personality. Ang hirap palang rumampa. Hindi pala ganun kadali ang lumakad sa entablado. Ang sungit pa mandin ng dance instructor na bading. Naninigaw at nagmumura. Hindi man niya ako nasigawan at namura, hindi naman ako makapagpasaway. Kaya, seneryoso ko. 

Kawawa nga sina Riz at Nico. Napagalitan sila. 

Pag-uwi ko, halos gusto ko ng matulog sa sobrang pagod. Pinilit lang ako ni Dindee na kumain.

"Subuan mo na lang ako, please.." Nag-inarte kunwari ako.

"Matulog ka na nga lang! Suwerte mo naman.."

"Ikaw..porket alam mong mahal kita..lagi mo na akong binabara. Pinahihirapan mo ako." Sumimangot pa ako.

"Siyempre..Hindi ako kagaya ng iba dyan na easy-to-get."

"Oo na.. Kakain na ako mag-isa.." Tampo-tampuhan pa rin ako. Binilisan ko ang pagsubo, hanggang mabulunan ako, kunwari.

"Red! Red, anong nangyari sa'yo?!" Nataranta si Dindee. Pinainom niya ako ng tubig. Binatukan at hinmas-himas ang likod.

Nag-enjoy ako. Pero, bigla akong natawa. 

"Leche flan ka! Niloloko mo lang pla ako! Hmp!" Sinabunutan niya ako ng di-naman masakit.

"Peace!" sabi ko pa.

"Anong peace? Minus one point ka!"

"Hala! bakit naman ganun?!"

"Kasalanan mo. Lagi mo akong niloloko.. Nine points ka na lang. Bwe.." 

"Wala na akong ganang kumain. Papayat na ako.."

"Mabuti nga yun para matalo ka sa Campus Personality. Pag natalo ka, hindi mo rin makukuha ang malaking points na dapat ibibigay ko sa'yo as prize.."

"Joke lang! Kakain na ako..."

Naputol lang ang biruan namin ng kumuha ng tubig na malamig si Daddy sa ref.

Ang sarap asarin ni Dindee..

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...