Followers

Sunday, July 27, 2014

Red Diary 140

Kondisyon

Sobrang saya ko nang magkabati kami ni Dindee. Akala ko ay hindi niya na ako talagang kikibuin. Nakatulong ang talent ko sa pag-iiba ng boses. He he

Ang maganda pa, binigyan niya pa ako ng points. Ako na nga ang nakasakit, ako pa ang nagkapuntos. Ayos! 

Twenty points na raw ako, as of today. Natuwa siya sa composition ko. Hindi niya raw akalain na gagawin ko ang dare niya sa akin. Sabi ko nga: "Wala akong di gagawin, basta para sa babaeng mahal ko." Seryoso ako nang sinabi ko yun pero hinampas nya ako nga marahan sa braso. Ang sweet daw pero totoo daw ba?

"Oo, totoo!"

"Oh, really? Paano kung hilingin ko sa'yo na i-unfriend mo si Riz sa Facebook?"

Natigilan ako. Hindi agad ako nakasagot..

"Sabi na nga ba, e.. Hindi ka sincere.." Biglang nag-iba ang mukha ni Dindee. Nalungkot siya.

"Kaya ko.." Pinilit kong magpakatotoo.

Naniwala si Dindee sa akin. Umasa siyang gagawin ko iyon sa lalong madaling panahon. Hindi tuloy ako pinatulog ng isiping ito. Grabe pala ang umibig. May mga kondisyon. May mga bagay ka na igi-give-up para lang mapaligaya mo ang iniibig mo.

Kakayanin kong tuparin ang kondisyon namin. Kailangan ko na talagang kalimutan si Riz,

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...