Followers

Monday, July 21, 2014

Hijo de Puta: Kuwarenta y singko

"Buwisit!" Itinapon ko ang alarm clock ko. Alas-kuwatro kuwarenta y singko pa lang. Bakit nag-alarm kaagad? Naalala ko si Jake. Baka siya ang nag-set. Nawasak tuloy ang orasan.

Bumangon na ako. Nasira na ang tulog ko. 

Nag-CR agad ako."Shit! Andumi!'' Kahit aandap-andap pa ang mga mata ko, nilinis ko ang banyo ko. Ilang linggo ko na rin pala kasing di nakuskos ang tiles ng paliguan ko. Nakakahiya sa mga bumibisita at bibisita pa.

Wala pang kinse minutos, nag-ring naman ang doorbell. Si Jake at Lemar. Natuwa ako nang makita silang magkasama. "Mukhang nagkasundo na kayo, ah! Pasok kayo."

"Oo, Kuya.. wala naman kasing patutunguhan ang away namin.."

"Tama yun! Mapapatay ko lang 'tong si Jake kung di siya makikisama." Nagtawanan kami. "Kaya nga pala kami nandito para.. Jake ikaw na magsabi."

"..Para.. yayain kang magsayaw. Tayong tatlo."

"Whooah! Magandang idea 'yan! Sinong nakaisip niyan?" Natuwa talaga ako. Hindi ko akalaing magiging tatlo kaming star dancers.

"Ako, Kuya." Si Jake pala ang may idea.

"Ayos!" Umapir pa ako kay Jake. "Musta nga pala ang show niyo kagabi?"

"Sold out ang alak, Hector!" Exaggerated si Lemar.. Hindi naman kami naubusan ng alak, ever since. Pero, naniniwala akong kumita sila kagabi.

Feel at home na si Lemar sa bahay. Nakasalampak pa sa sofa. Si Jake naman, nakaupo lang ng maayos sa isahang sofa. Magkaiba talaga sila. Malayong-malayo sa isa't isa. Pero, sa tingin ko, totoong nagkasundo na sila.

Kinumusta naman nila ang absence ko kagabi. Ikinuwento ko sa kanila ang mga nangyari. Wala akong tinago. Nalaman tuloy nila ang tungkol sa pag-ibig ko kay Lianne, pati ang wet dream na nangyari. Tawa sila ng tawa. 

"Kuya, sabi nila.. pag napanaginipan mo daw ang isang tao, nami-miss ka nun.." sabi ni Jake.

"Huh, talaga? Ibig sabihin.. nami-miss ako ni Lianne?"

"Oo!'

Sana lang, naisaloob ko. Siguro ay napanaginipan niya rin ako. Kasi, miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang makita at makasama.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...