Followers

Friday, July 25, 2014

Red Diary 136

Hindi Nagseselos

Pagod na pagod ako nang umuwi ng bahay. Madugo ang practice namin. Pinilit ng dance instructor namin na tapusin ang pagtuturo niya ng sayaw para si Sir na lang daw ang mag-practice sa amin. naka-book pa raw kasi siya sa iba. Naisaloob ko, mabuti naman..

Ok lang sana kung napagod lang ako sa practice, kaso nagselos ako. Grabe makahawak si Leandro kay Riz sa baywang. Never ko pa nga siya nahawakan pero ang mokong ay nakaiskor na. Hindi naman pwedeng mag-inarte si Riz dahil mabubulyawan siya ng bading na nagtuturo. 

Sana ako na lang ang partner ni Riz. Hindi ko kasi tipo ang katulad ni Michele. Maharot masyado. Walang thrill. Alam ko na agad na gusto niya ako. Halata, e. Grabe makadikit sa katawan ko. Halos magbungguan ang likod niya at harap ko. Pinagpasensiyahan ko na lang para walang masabi. 

Nang dumating ako sa bahay, naglalaba si Dindee. Si Daddy naman ay nagluluto. Alam na nila kung bakit ako ginabi.

Pagkabihis ko, nagkuwentuhan kami ni Dindee. Gusto ko sana siyang tulungan. Ayaw lang niya kasi pagod daw ako. 

"Baka naman ma-develop ka na kay Michelle." sabi ni Dindee nang ikuwento ko kay Dindee ang tungkol sa practice namin. Hindi ko ikinuwento sa kanya ang tungkol sa tsansing ni Leandro sa ex-dreamgirl ko.

"Hindi mangyayari yun.." mariin kong sagot.

"Hindi mo asasbi 'yan.." patuloy lang siya sa pagbabanlaw. Parang may gustong ipakahulugan.

Kinuha ko ang kamay niya. Napatigil siya sa paglalaba. Nagtinginan kami sa mata. "Ikaw ang mahal ko.."

Hindi siya nakasagot. Nagbanlaw uli siya. Natanggal ng pagkakahawak ko sa kamay niya. Tiningnan ko na lang siya. Nalungkot siya.

"Sorry.. sana hindi ko na lang sa'yo ikinuwento.."

"Okay lang 'yun.. Di pa naman tayo. Wag kang mag-alala, hindi ako nagseselos.." Iniwan niya ako. Kukuha daw siya ng hanger.

Matagal siya bago nakabalik. Nainip ako, kaya umalis na ako. Hindi na kami nagkibuan hanggang sa matulog kami. Hindi ko siya ma-text dahil naubusan ako ng load.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...