Goodluck Kiss
Maghapon kaming nag-practice kaya wala ako sa classroom. Excused naman ako, kaya okay lang. Ang hindi lang okay ay ang makita ko sina Riz at Leandro na napaka-sweet, habang kami ay nagsasayaw para sa production number namin bukas ng gabi.
Hindi ko alam kung bakit ganun ang nararamdaman ko. Wala naman akong dapat na pakialam sa kanila, pero bakit selos na selos ako tuwing iikutan ni Riz si Leandro na tila inaakit niya ito? Feel na feel nila. Gusto kong maniniwala na magkasintahan nga sila.
Maliban sa pagsayaw nila, naiinggit din ako sa tawanan nila nang break namin. Samantalang ako, boring na boring kay Michelle. Hindi man lang ako matawa sa mga hirit niya.
"Kanina ka pa tingin ng tingin sa kanila." Napansin ako ni Michelle."Move on Red. Di mo ba nakita?"
"Wala akong pakialam sa kanila. Asiwa lang kasi ako sa mga galaw nila. OA!"
"OA pala..e di wag mong tingnan! Maiinis ka lang lalo.. Bakit di na lang.. ako ang tingnan mo?!"
Boom panes! Napangiti na lang ako sa kanya. Tapos, nag-excuse ako nang lumapit pa siya sa akin para humilahid. Asiwa. Napatingin tuloy si Riz. Baka inisip pa niya na nagpapaselos din ako.
Umuwi agad ako pagkatapos ng final rehearsal. Nagpapahatid si Michelle. Hindi ko hinatid. Sabi ko, nagmamadali ako dahil maghahanda pa ako ng mga isusuot ko bukas.
Tinulungan naman ako ni Dindee at Daddy sa paghahanda. Nagplantsa si Dindee. Si Daddy naman ay nag-isa-isa ng mga maaari kong nakalimutang ihanda. Pina-charge ko naman kay Dindee ang DSLR niya para sa picture-picture.
All set! Ready na rin ang talent ko at ang self-introduction.
Tinext ko na lang si Mommy. Ni-remind ko siya. Try daw niyang makapunta.
I thanked Dindee para sa lahat ng tulong niya bago ako pumasok sa kuwarto para magpahinga.
"Good luck!" sagot niya. Then, she kissed me..sa cheeek.
A goodluck kiss..
Followers
Thursday, July 31, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment