Ang bangus ang pambansang isda ng Pilipinas.
Bibihira nga lang ang hindi nagugustuhan ang bangus dahil s taglay nitong linamnam. Kahit anong luto nito ay sadya talagang masarap. Inihaw. Sinigang. Prito. O paksiw. Lalo pa siguro itong magiging paborito kapag hindi masyadong matinik.
Kapag dinaing naman, perfect sa almusal. O kahit sa pananghalian at hapunan. Pag may pritong daing na bangus, bagay nabagay sa anumang gulay na may gata. Ang sarap ng kain mo. Mapapataghoy ka sa sarap.
Eversince, favorite ko na ang bangus. Ito kasi ang madalas ihain sa hapag. Ito ang maraming tinda sa palengke. Hindi rin nito nawawalan sa karinderia. Tinalo na nga nito ang galunggong o GG.
Pagkatapos ng bagyong Glenda, ang sarap kumain ng bangus at ginataang gulay. Kaya, nagpabili ako sa pamangkin ko. Excited akong kumain. Kinayod ko ang taba nito sa tiyan at agad kong shinoot sa bunganga ko. Shiit! Napataghoy ako sa amoy! Amoy gilik!
Imbes na iluwa ko. Nilunok ko na lang. Sayang, e. Eninjoy ko iyon, hanggang mabusog ako. Amoy lang naman, e. Natural iyon dahil napunta iyon sa Ilog Pasig nang umapaw ang palaisdaan sa Laguna de Bay.
Tanggap ko na sana na ang ulam ko ay ang pamabansang isada na may amoy gilik. Puteeek! Maya-maya, dumighay ako. Amoy-gilik pa rin! Matindee! Para akong janitor fish. Para akong kumain ng putik.
Nadala ako.
Lesson Learned: HUWAG KUMAIN NG BANGUS PAGKATAPOS NG BAGYO.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment