Followers

Saturday, July 26, 2014

Red Diary 137

Fitting Room

Nagpasama ako kay Dindee na bumili ng mga isusuot ko sa pageant. Sa Friday na ito gaganapin kaya kailangan ko ng bumili. 

Mahusay mamili si Dindee. Metikulosa. Kaya pala ako ang napili niya. He he. 

Nakakatuwa kami sa mall. Sinasamahan niya ako pati sa fitting room. Ang ingay niya. Mapilit. Sabi ko na kaya ko namang magbihis.

"Huwag ka nang mahiya. Nakita ko na iyang dibdib mo. Maraming beses na. Naalala mo nung na-allergy ka?"

"Oo.''

"Ako pa nga ang nagpawid ng suka sa katawan mo.. What I mean is..ngayon ka pa ba mahihiya sa akin.."

"Kasi..baka kung anong isipin ng mga makakarinig at makakakita sa atin.." pabulong kong sabi, habang nasa loob kami.

"Hayaan mo sila.. Iisipin na lang nila na magboyfriend at girlfriend tayo.." Sinipat-sipat niya pa ang pagkakalapat ng coat sa balikat ko.

Hinarap ko siya. "Bakit? Hindi pa pala tayo?" tapos, ngumiti ako. Lumabas siguro ang dimple ko kaya kinurot niya ako sa pisngi.

"Excited ka na naman? Gusto mong i-break na kita agad?"

"Uy, wag.."

Tinawanan ako ni Dindee habang lumalabas ng fitting room. "Bilisan mo na. Magpalit ka na. Okay na yan. Maganda yan. Kunin na natin para makauwi na tayo."

"Opo, mahal ko.. Nagbibihis na po."

"Anong sabi mo?"

"Wala! Sabi ko..baka mahal 'to.."

"Mahal talaga 'yan.. Onesimus ba naman ang pinili mo,eh."

Alas-siyete na kami nakauwi. Sobrang pagod mamili. Mabuti na lang magaling si Dindee. Nabili naming lahat ang kailangan ko. Hindi na nga lang kami nakapag-dinner. Muntik na kaming maubusan ng pamasahe.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...