Followers

Tuesday, July 22, 2014

Hijo de Puta: Kuwarenta y sais

Umusok ang entablado ng Xpose Bar. Tumugtog. Ako ang unang lumabas. Hiyawan agad ang mga parokyano dahil sa nakakalibog kong paggiling. Nakasuot ako ng red skinny pants. Wala kong baro. 

Dalawang minuto akong sumayaw, habang binibilang ko ang mga customer. Kuwarenta y sais. Marami-rami ngayon. Halos mapuno ang mga upuan.

Sumunod na lumabas si Jake. Nakahubad-baro din siya. Nakapantalon lang siya ng blue skinny. Naghiyawan muli ang mga bading at matrona. Hiwalay kaming gumiling ng katawan. Dalawang minuto ang lumipas. Pumasok naman si Lemar, na naka-blue skinny pants. Malakas din ang hiyawan. 

Nagsayaw din siya sa gilid. Ako ang nasa gitna. 

Nakita kong nag-aabang ng pasabog ang mga narooon, kahit nga si Mama Sam ay naghihintay na. 

Si Lemar ang unang kumilos. Lumapit siya kay Jake. Hinimas-himas ang dibdib ng kaibigan ko. Lumapit din sa akin at hinimas-himas si Manoy ko. Tapos, bumalik siya sa puwesto niya upang ipagpatuloy ang paggiling. 

Sumunod na lumapit sa akin si Lemar. Lumuhod siya sa harapan ko at hinimas-himas ang mga binti ko. Ako naman ay sinamantala ang pagkakataon na gumiling ng mas nakakaapekto. Sumunod naman si Lemar. Pumunta sa likod ko. Hinimas-himas ang dibdib ko, habang nakadikit ang mga katawan namin. 

Nagpalitan kami ng posisyon. Ako naman ang nasa likod ni Jake. Si Lemar naman ang nakaluhod. Tapos, isang palitan pa, bago kami bumalik sa dating puwesto. Maya-maya, sinimulan na naming ibaba ang mga pantalon namin. Wala kaming undie kaya habang ginagawa ang paghubad ay pilit namin ikinukubli ang aming mga sandata.

Gumiling-giling pa kami uli, habang nakatakip ang aming harapan. Tumalikod din kami sa audience. At bago matapos ang musika, sinandwich namin si Lemar. Nakatalikod sa akin si Lemar. Magkaharap naman sina Lemar at Jake.


Nagpalakpakan ang mga customer habang umi-exit kami. Naghiyawan sila ng 'more' may nagbato pa ng barya sa entablado. Natuwa kami sa dressing room dahil nakapagpalibog kami.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...