Sa sobrang kabiguan ko, nagdesisyon uli akong sumayaw. Kinausap ko sina
Lemar at Jake. Nakiusap ako na kung maaari, isali nila ako sa show. Pumayag
naman sila.
Hindi ko sa kanila sinabi ang kabiguan ko. Sabi ko lang na gusto kong
kumita ng malaki ng pera. Hindi ko rin sinabi kong bakit.
Ang gusto ko lang kasi ay malaki ang perang ibabayad ko kay Lianne.
Ita-table ko siya at kung papayag siya, ikakama ko siya at babayaran ng malaki.
Kung iyon ang gusto niya, araw-araw ko siyang ikakama hanggang makaraos siya sa
krisis pinansiyal. Tutal ayaw niyang tumanggap ng tulong mula sa iba, o sa
akin, dapat sigurong may kapalit ang ibibigay ko. Tutal, wala na rin ang
respeto at paghanga ko sa kanya. Libog na lang ang nararamdaman ko para sa
kanya. Tulad ko, marumi na siya.
Bago mag-ala-dose ng hating-gabi, tinext ko si Paulo. "KmsTa
ang taTay ni LianNe?" Mas naaawa ako sa ama ni Lianne. Malaki ang
pagpaphalaga ko sa mga ama, kahit namulat akong walang father figure. Gusto ko
pa rin itong tulungan, kahit di na malaman ni Lianne o kahit wala na akong
pagmamahal sa kanya.
"Hnd mBti. KaiLngan n mgCheMo.."
Nabagbag ako sa nabalitaan ko. Kailangan ko sigurong kumita nag malaki
para makatulong ako sa tatay ni Lianne. Inspirado akong sumayaw. Sana may
magyaya sa akin na ikama ako..
Umusok na ang entablado.. Lumabas sina Lemar at Jake. Gumiling-giling
sila na tanging puting underwear lang ang suot.
No comments:
Post a Comment