Followers

Wednesday, July 23, 2014

Red Diary 134

Kilig



Sabay kaming nag-aral ng mga lessons namin ni Dindee. Andami niyang gawain kaya tinulungan ko siya. Pinagsulat niya ako ng report niya sa Manila paper. Mas maganda daw kasi ang sulat ko kesa sa kanya. Since, nagpapalakas ako sa kanya, hindi ko siya hinindian.

Alas-nuwebe na kami natapos. Hindi pa naman sya magre-report bukas. Baka Friday pa daw. Inihanda niya lang ang visuals dahil baka biglain siya. Sa school na lang daw niya aaaralin ang mga sasabihin. Nagkukunwari kami kasing nag-aaral at nagtutulungan, para hindi halata ni Daddy na nagliligawan kami. He he.

Alam ko naman na nahahalata ni Daddy ang closeness at sweetness namin ni Dindee. hindi niya lang kami pinapansin. nung nahuli niya nga kaming naghaharutan ay hindi naman siya nagalit o nag-react. Mas nabibiro nga namin siya kapag kinikilig siya kay Mam Valbuena. 

Kanina nga ng sinabi ko sa kanya na panay ang tanong sa akin ni Mam tungkol sa kanya, kinilig siya. Kakaiba nga lang ang resulta. Parang akward. Hindi pala magandang kiligin ang may edad na. Pang-teenager lang pala talaga ang kilig.

Kaya, hindi niya rin kaming pwedeng pigilan ni Dindee sa aming mag-iibigan dahil hindi naman namin siya pinapakialaman sa kanyang nararamdaman para kay Mam Dina. Ang gusto ko lang ay maging inspired siya sa buhay. Pero, mas gusto ko pa ring magkabalikan sila ni Mommy. Gusto ko kasing pag naging kami ni Dindee ay maging sila na rin uli. Ang saya na siguro ng buhay ko. Kumpleto at buo na ang pamilya ko!

Naisipan ko tuloy i-text si Mommy ng ganito: "Gudnyt po, Mommy. Tsup. Gudnyt din dw po sabi ni DaD!"

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...