Naging madalas ang pagkikita nina Zillion at Gelay. Patuloy din ang kanilang pagsusulat at pag-a-update ng kanilang Wattpad stories. Si Gelay nga ay matatapos na rin ang Book 2 ng kanyang story. Ang anak ko naman ay pinatawag na ng publishing company para sa publication ng Red Diary Book 2.
Ako naman, bilang Daddy ni Zillion ay patuloy na gumagabay sa kanilang dalawa. I see to it na naba-balance nila ang studies at writing career. Hindi ko sila binigyan ng limitasyon sa pag-i-internet as long as, na matataas pa rin ang marka nila.
Bilang Wattpad tito ni Angela, patuloy kong hinahasa ang writing skills niya. Mabilis siyang matuto. Lagi kong sinasabi sa kanya na gawin niya ang lahat ng mga gusto niyang gawin. Nang sinabi niyang sumali siya sa Glee club, natuwa ako. Pangarap ko rin iyon para sa aking nag-iisang anak. Pero, dahil hindi iyon ang gusto ni Zillion, sinuportahan ko na lang siya sa kanyang hilig sa pagsusulat at pagsasayaw.
Nagkataon namang hilig naman pala iyon ni Gelay. Kaya, bilang reward sa kanila, pinaplano kong bigyan sila ng regalo sa summer. Ipapa-enroll ko sila sa dancing summer camp. Dahil mababait silang bata, libre ko na sila. Sa aking bulsa lahat maggagaling ang ipapambayad sa mga gastusin doon.
Masaya na ako bilang asawa, Wattpad writer, professor at ama. Wala na akong mahihiling pa. Mayroon akong mapagmahal na asawa. Mayroon din akong poging anak. Plus, mayroon pa akong Gelay —ang aking Wattpad pamangkin, na soon ay magiging kabiyak na rin ng aking unico hijo.
Puwede na akong mag-retire...
No comments:
Post a Comment