Binatang Ama
Alas-onse na dumating si Daddy kagabi. Nakangiti pa rin siya. Pero, hindi siya nagkuwento ng kahit na ano. Hindi naman siya napilit ni Dindee. Sabi pa niya, "Sikretong malupit!"
"Gumaganun ka pa, Tito, ah!" alaska naman ni Dindee.
"Oo nga! Feel na feel maging teenager ni Daddy." dagdag ko pa.
"Tulog na tayo..may pasok pa tayo bukas. Ako, pupunta pa ako ng school mo, Red, bukas."
Natawa ako. "Bakit, Dad? Seryoso ka na po ba talaga?"
"Oo, seryoso na ako. Di ba GPTA President ako. So, kailangan kung dumalaw sa school niyo. Goodnight." Nakangiti pa rin siyang pumasok sa kuwarto.
Nag-apiran pa kami ni Dindee nang makapasok na si Daddy.
Nagpalitan lang kami ng "Good night" ni Dindee, saka pumasok na kami sa kanya-kanya naming kuwarto. Naabutan ko naman na nakangiting nagtetext si Daddy. Hindi pa nakabihis. Hindi pa rin siya naligo gaya ng madalas niyang gawin bago matulog.
"Dad, hindi po pala kayo dapat na nai-inlove?"
Hindi ako napansin ni Daddy, kaya inulit ko.
"Bakit?"
"Kasi..tinatamad kayong magbihis, maligo at mag-toothbrush.."
"Sandali lang po, Dad!' biro sa akin ni Dadddy. "Mag-gu-good night na nag po ako kay Mam.."
Natawa kami pareho.
Maya-maya, lumabas na siya bitbit ang cellphone at towel. Grabe! Ganyan pala ma-inlove ang binatang ama.
No comments:
Post a Comment