Followers

Wednesday, July 23, 2014

Double Trouble 17

DENNIS' POV

Hindi ako kinikibo ni Denise ngayong araw. Dati kapag Sabado ay nakikipag-bonding siya sa akin, pagkatapos ng lunch. Ngayon, maghapon siyang nagkulong sa kuwarto.

Tinanong nga siya ni Papa kanina, habang nagla-lunch kami, kung bakit tahimik siya. May sakit daw ba siya. Wala naman daw.

Naisipan kong makipaglaro sa kaniya ng chess. Kumatok ako sa kuwarto niya. Hindi ako nagsalita para buksan muna niya ang pinto. Bitbit ko na ang chess board.

"Ano? Laban uli tayo?'' Jolly ko siyang niyayang maglaro. Ipinakita ko pa sa kaniya ang board.

"Kayo na lang ni Papa." Hindi naman siya galit, pero halatang wala siya sa mood makipag-usap.

"Scrabble na lang o kaya Word Factory."

Umiling lang siya at tinalikuran ako, pero bukas pa rin ang pinto. Sinundan ko siya sa loob. "Uy, may bago ka palang poster ng Exo!" Avid fan siya ng Exo band. Matagal ko nang alam. Pinuri ko lang siya para may masabi ako.

"Matagal na `yan." Wala pa rin siyang gana.

"A... e, itong anime drawing mo?" turo ko naman sa drawing niya sa bond paper at idinikit niya sa wall.

"Kanina lang `yan.'' Medyo nag-iba ang tinig niya. May kaunting saya na.

"O, talaga? Nakakailibs ka naman... Kaya pala hindi ka lumalabas kanina pa. Iyan pala ang ginawa mo." Hinarap ko na siya.

"Oo."

"Puwede ba akong magpa-drawing sa `yo?"

"Puwede... pero may bayad." Tumawa na siya.

"Oo ba!"

"Kaya mo bang magbayad? Hindi pera ang singil ko?"

"Ano naman pala?"

"Depende."

"Depende saan?"

"Depende sa mood ko at sa ipapa-drawing mo."

Naging palaisipan sa akin ang tinuran niya, pero pumayag na ako para lang pansinin niya ako.

Binantayan ko siya, habang nagdo-drawing siya ng anime character na sinabi ko. Ginawa ko iyon para maging malapit uli kami sa isa't isa. Ramdam ko kasing nagbabago na siya ng ugali, simula nang makatabi niya si Krishna.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...