Followers

Monday, July 28, 2014

Hijo de Puta: Singkuwenta y sais

Hindi ako pinayagan ni Mama Sam na mag-resign. Pabigla-bigla daw ako. Hindi pa raw nakakahanap ng club ng kapalit ko. Sinabi ko naman na may Jake at Lemar na. Ayaw naman niyang umasa sa dalawa. Iba pa rin daw ang karisma ko sa mga bading at matrona.

"Pero.. Mama Sam.. may pangarap ako sa buhay. Ayoko pong tumanda ako sa ganitong uri ng trabaho.." pagsusumamo ko pa. 

"Alam ko.. pero, nakikiusap ako. Huwag ngayon. Bigyan mo pa ako ng isang linggo para pakawalan ka. Please.."

Nagkasundo kami ni Mama Sam. Pero, nagulat naman ang mga kaibigan at katrabaho ko sa desisyon ko. Pinaliwanagan ko na lang sila kung bakit. Naunawaan ako ng karamihan..

Alas-dose na, umusok ang entablado. This time, hindi ako sasayaw. Hindi kasi ako nakapaghanda ng sayaw. Sina Lemar at Jake lang ang sasayaw. Naka-table na rin kasi ako. 

First time ko yatang manuod ng ganito. Dat-rati, ako ang pinapanuod. Ngayon, ako ang nanunuod sa paggiling ng katawan ng mga macho dancer. Naaasiwa ako. Nakakahiya palang tingnan ang taong sumayaw sa nakakalibog na tugtog habang hinapalos ang hubad na katawan at mga kaselanan. Nakakabastos palang pakinggan ang mga komento ng mga manunuod lalo na kapag sumisigaw na sila ng bastos na mga salita. Nakakawala ng respeto..


Tama ang desisyon ko. I quit dancing and showing my naked body and private part. Gagawin ko ito para kay Lianne.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...