Imbes na magpakita ako kina Lianne at Paulo, ako pa ang nagtago. Ako pa
ang nahiya sa kanila. Bigla kasi akong nanlamig at nanliit. Hindi ko akalaing
itinago pa sa akin ng babaeng iniibig ko ang kanyang totoong trabaho.
Nang makaalis na sila sa lugar na iyon, saka ako lumayo. Naglakad ako.
Tila walang direksyon ang aking paglakad. Mabigat ang aking dibdib. Laylay ang
aking balikat.
Binigo ako ni Lianne.
Akala ko, ako lang ang nagkukubli sa dilim at ilaw ng malibog na ilaw ng
entablado. Isa din pala siyang bayaran, isang puta.
Gusto kong balikan ang club pero naisip ko, hindi ko na rin sila
maaabutan. Isa pa, parang nabawasan ng bahagya ang respeto at pagmamahal ko kay
Lianne. Hindi ko alam kong matatanggap ko pa ang babaeng katulad ko na
nagbebenta ng aliw. Hindi ang kagaya niya ang pangarap kong maging ina ng
magiging supling ko.
....pero mahal ko siya. Kaya ko nga ititigil ang pagsasayaw dahil sa
kanya. Ngunit, wala na palang halaga...
Pagdating ko sa bahay, saka ko lamang naisipang i-text si Lianne at si
Paulo. Sabi ko: "nkita ko kau sa CherrY BlossOms.."
Lianne:"KeLan?"
Reply naman ni Paulo ay"sAn Un?"
"WaG n tyonG mglihiMan.." sagot ko sa
kanilang dalawa. Tapos, di na sila nag-reply..
No comments:
Post a Comment