Kagabi pa lang, in-announce na sa TV na wala ng pasok mula kinder hanggang high school dahil sa bagyong Glenda. Kaya, nagbabad ako sa higaan ko. Nakapikit na nga ako ng tapikin ako ni Daddy sa balikat para magpaalam. Pangalawang tapik, gising pa ako. Si Dindee naman ang tumapik sa akin. Bigla kong hinablot ang kamay niya. Napasigaw siya sa sobrang gulat. Pinaghahampas niya ako.
"Grabe ka, Redondo! Ginulat mo ako.. Alis na nga ako. Hmp! Kikiss pa naman sana ako sa'yo.." Lumabas na siya.
Bumangon naman ako. "Wait, mumog lang ako. Kiss mo ako, ha?!"
"Kaskas mo na lang yan sa lababo. Kainis ka, eh! Minus two points ka.."
"Hala! Minus talaga?"
"Oo! muntik na kayang mahulog ang puso ko.."
Ngumiti ako ng nakapagwapo para di na siya magalit. "Hindi pwedeng mahulog ang puso mo, kasi susungkitin ko pa 'yan.."
"Boom! Corny much mo, Red.. Sige na nga, bye na. Mag-almusal ka na dyan. Nag-fried rice ako at nag-prito ng longganisa at itlog."
"Wow, sarap! Longsilog! Sana wala ka ring pasok.. Para sabayan mo akong mag-almusal."
"Meron, e. Kaya, bye na." Nag-flying kiss pa ang mahal ko. Ang sweet. Sana ako rin ay pwedeng magbigay sa kanya ng ganda points. Bibigyan ko sana siya ng ten points kaagad.
Tinext ko siya agad. "ingat k. uwi ka agd. <3"
Siguro ay nasa dyip na siya nang nag-reply siya. "thnx! bnbawi ko na ang minus. <3"
"yehey! thnk u!"
No comments:
Post a Comment