Followers

Friday, July 18, 2014

Double Trouble 11

DENNIS' POV

First time kong maka-join sa lakad ng barkada ni Denise. Kaya lang naman ako sumama dahil kasama si Krishna. Isa pa, kailangan kong bantayan si Denise.

Pinipilit kong makatabi kay Krishna, ngunit sa tuwing gagawin ko iyon, magpapagitna si Denise at may sinasabi sa akin. Istorbo!

Nagmeryenda kami pagdating sa mall. 

Grabe palang ingay ng grupo ng kapatid ko. Speechless ako. Nakakahiya! Panay ang kulitan. Pati ang ketchup ay nagagawang katatawanan. Kahit hindi ako nakikitawa sa kanila at pangiti-ngiti lang ako, nag-enjoy naman ako nang husto, habang pinagmamasdan si Krishna. Ang bombayin niyang ganda ay lalo pang nadaragdagan, kapag masaya siya. Noon ko lang natitigan nang maigi ang mukha niya. Hindi ako nagkamali ng pagkakaroon ng crush sa kaniya. Sobrang ganda niya.

Sa tingin ko, madali ko siyang maliligawan dahil close sa kaniya si Denise. Sila lagi ang magkatabi at madalas magkausap. Panay ang harutan nila.

Susulatan ko si Denise mamayang gabi. Ipapaabot ko iyon sa kapatid ko.

Nang nag-uwian na. Nakatiyempo sana ako kay Krishna dahil nauna na ang iba. Kaming tatlo na lang nina Denise ang hindi pa nakakasakay ng dyip.

"Ihatid na kita, Krishna," sabi ko. Nilakasan ko lang ang loob ko.

Tiningnan muna ni Krishna si Denise. "A, hindi na."

"Oo, Kuya. Malapit lang siya. Kailangan na nating umuwi. Baka abutan tayo nina Mama."

"Sige, next time na lang," deklara ko, pero `di naman nag-commit ang crush ko. Dedma nga ako, e. Nakapara na kasi si Denise ng dyip para sa kaniya.

"Ingat ka, Kris. Bye!" paalam ni Denise. Kiniss pa niya ang kaibigan.

"Bye! Ingat din kayo!" Hindi naman niya ako tiningnan. Kay Denise lang siya kumaway. Gayunpaman, kumaway pa rin ako sa kaniya. Sana nag-kiss din pala ako.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...