DENISE' POV
Sobrang yamot ko kay Nerd! Gusto ko na siyang kaltukan. Kung hindi ko nga lang siya kuya, ginawa ko na.
Kalahating oras akong nagkulong sa kuwarto, kaya kalahating oras din siyang nagpakasawa sa TV. Sa loob ng oras na iyon, nakaisip ako ng pangontra-asar. Lumabas ako sa kuwarto. Nakadikit sa tainga ko ang cell phone ko. "Hello, Krishna! `Musta? Nakauwi ka ba nang safe?" Nilakasan ko ang Krishna, kaya napatingin si Kuya DenNerd. "A, mabuti kong gano'n... Oo, ayos naman. Nag-enjoy ka ba kanina? Talaga? Ako rin. Ang saya-saya mo talagang kasama!" Nakita kong nakikiramdam at nakikinig si Kuya.
Hininaan niya rin ang volume ng TV.
"Kelan uli tayo gagala? A, sige, sure `yan, ha? Next Friday? Tayo lang, ha!? Okey, okey! Salamat sa pagtawag mo, ha?! Okey, sige, I'm gonna miss you too... Ingat ka rin... Mwuaah! I love you, Kris!" Kunwaring kinilig pa ako, bago ako pumasok sa kuwarto ko. Success ang pag-pretend ko. Apektado si Kuya.
Nag-isip uli ako ng idea para lalong maasar ang nerd.
Maya-maya, kumatok siya sa pinto ng room ko. "Denise! Buksan mo ang pinto." Hindi naman siya galit, kaya pinagbuksan ko.
"Anong atin?" Mataray ako. Pa-side ko siyang tiningnan.
"Tomboy ka ba?"
Tumawa ako. "Kakatok ka lang para itanong `yan sa akin?" Mas nilakasan ko pa ang tawa ko. "Sa ganda kong ito... Tomboy?! Ew-ness!"
"So, nagkakamali ako ng hinuha?"
"Make-up-an kita, gusto mo? Come, Kuya... come." Kinuha ko ang kamay niya at hinila ko paloob ng kuwarto ko.
Nagpumiglas si Kuya. "Damn! Tigilan mo nga ako! Ako pa tuloy ang napasama sa `yo... D'yan ka na nga!" Walk-out ang kuya ko. Akala niya, papatalo ang bandera ko sa kaniya.
Tawa ako nang tawa mag-isa sa kuwarto ko.
No comments:
Post a Comment