Followers

Wednesday, July 16, 2014

Hijo de Puta: Trenta y kuwatro

Nagising ako bandang alas-kuwatro trenta y kuwatro, pagkatapos kong umidlip uli. Hindi na mabigat ang ulo ko. Pero, hindi pa rin mawala sa isip ko si Lianne. Nagtatanong pa rin ako kung bakit di ko siya pwedeng mahalin. Pero, nang maalala ko ang midnight show namin mamaya ni Jake. Tinext ko siya. Wala pa kasi kaming ni-rehearse.

"Akala ko, d n ako ang partner mo mmya." reply ni Jake.

Pinaliwanag ko sa kanya ang usapan namin ni Lemar. Nang malinawan siya, niyaya ko siya sa bahay para mag-practice kami. Nakarating naman agad siya.

"Kuya, ang ideya ko ngayon..baka di mag-click."

"Try natin. Ano ba yun?"

"Sasayaw lang tayo. Ayaw kasi ni Caren na ganun ang ginagawa ko. Pinayagan na niya akong maging waiter sa Xpose, pati ba naman daw kababuyan ay gagawin ko pa."

"Ah, ganun ba? Pinaalam mo pala. Sige."

"Yung pagsasayaw natin mamaya, di pa rin niya dapat malaman."

"Tama yun. Wag mo nang ipaalam. Di na niya yun malalaman. Sabihin mo, waiter ka lang talaga."

"Sige, Kuya.."

Nag-practice na kami. Hindi pa siya ganun kagaling gumiling. Nakikita ko na mabo-boo kami mamaya. Tinuruan ko siya. Sumusunod naman, kaso lang kulang pa rin. Matigas pa ang katawan niya. 

Bahala na, naisaloob ko. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...