"Salamat sa breakfast!" sabi ko kay Paulo, pagkaalmusal
namin. Tapos, nagpaalam na siya. Bumalik naman ako sa Axis.
Marami nang applicants ang mga nakapila pero hindi pa bukas ang agency.
Naghintay ako saglit. Nag-observe lang ako. Wala pa akong experience sa
pag-a-apply. Ngayon lang ako nakapunta sa maritime agency. Ako lang yata ang
naroon na wala man lang bitbit na credentials. Nag-i-inqure lang kasi ako.
Nakipag-usap ako sa isang aplikante. Makasakay na raw siya. "Magkano
kaya ang gagastusin ko, pre?"
"Kung may mga papeles ka na, mga kuwarenta mil, okay na. Makakaalis
ka na." sagot ng kausap ko.
Natuwa naman ako dahil kayang-kaya ko pala ang gastusin. May mahigit
kuwarenta mil na akong ipon.
"Hector!" tawag sa akin ng isang lalaking
naka-fedora cap. Nang tinanggal niya ito sa kanyang ulo, saka ko lang siya
nakilala.
"Humprey!" Nagulat ako sa astiging porma ng
dati kong kaklase at kabarkada. Ibang-iba na siya manamit.
"Musta? Long time no see.'' Nakipagkamay pa siya sa akin.
"Oo nga, e! Mabuti naman ako. Ikaw?"
"Ayos lang din. Nakasakay ka na?"
"Hindi pa nga, eh. Mag-i-inquire pa lang.."
Nagulat si Humprey. "O, bakit? Ikaw pa naman ang expected
kong makakasakay kaagad at magiging kapitan.."
Tumawa muna ako. "Ganun talaga.. Hindi ako nagpursige. Ngayon
ko lang naisipan."
Lumayo kami sa mga aplikante. "Dapat noon ka pa, nag-apply..
Ako, pabalik na uli.."
"Oo nga. Naghihinayang nga ako.. Nakakahiya tuloy sa'yo.."
"Wag mong isipin yun. Ikaw na ang nagsabi, ganun talaga.. Dati,
nangongopya lang ako sa'yo.." Tumawa pa si Humprey.
"..ngayon.. look at me." Nilahad pa niya ang mga braso.
Hindi naman ako nayabangan sa kanya. Sanay na ako. "Asensado
ka na nga, e.'' Malaki naman talaga ang improvement sa kanya. Dati,
patpatin siya. Maitim pa at hindi kagandahang lalaki. Iba talaga ang nagagawa
ng pera.
Lalo akong nag-crave na makasakay din ako ng barko.
No comments:
Post a Comment