Followers

Saturday, July 26, 2014

My Wattpad Lover: Angela

Limang araw na kaming di nagkikita ni Angela. Miss na miss ko na siya. Last Saturday, hinatid kami ni Daddy sa mall at binalikan after five hours. Pero, ngayong araw, hindi natuloy ang date namin dahil may biglaang lakad si Daddy. Kaya tinawagan ko na lang ang girlfriend ko sa telepono.

Si Tito Ruben ang nakasagot ng tawag ko. Pero, dahil alam naman niya at tanggap niya ang relasyon ko sa kaniyang anak, pinakausap niya sa akin si Angela.

"Mabuti naman ako. Ikaw?" sabi ni Gelay.

"Mabuti rin. Miss na miss lang kita. Sobra."

"Same here. Bakit nga pala di tayo natuloy ngayon?"

"May biglaang lakad si Daddy. Pinatawag ng publishing company. Malapit na raw uli mag-publish ang Book 2 ng kanyang Sincerely Yours" 

"Ah.. Okay lang. At least may valid reason naman.

"Yeah! Bukas, baka matuloy tayo. Ready ka lang."

"Yes! I'm always ready.."

"Nga pala, nag-update ka na ba ng mga stories mo?"

"I'm updating when you call.."

"I'm sorry.. Naistorbo kita."

"Ayos lang, Zil. Ikaw? Nag-update na rin ba?"

"Hindi pa. Naiisip kasi kita..."

"Hay, naku! Occupied na naman 'yang mind mo ng mukha ko. Wag mo nga akong isipin masyado.." sabi niya. Ang sweet ng pagkakasabi niya. Parang kinikilig.

"Bakit?" tanong ko naman.

"..kasi lalo akong nai-inlove sa'yo.." Kinilig kaming pareho. 

Haay.. Ang sarap ma-inlove. Sana pangmatagalan itong relasyon namin. Hindi ko nakikita ang sarili ko na umiibig ng ibang babae, maliban kay Gelay. Siya lang ang anghel sa buhay ko. Siya lang ang iibigin ko. Nagsimula man ang pag-iibigan namin sa Wattpad, hindi naman ito magtatapos sa Wattpad. Sisikapin kong laging on-going ang love story namin ng aking my Wattpad lover.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...