Galing kami sa Seaside, Pasay. Nag-blow-out kasi ang seaman na fiance' ng kagrupo namin. Hindi ko makalimutan ang tawanan at kulitan namin doon.
Nagkainan, nag-inuman at kantahan kami doon.
Natanggap ko na sana na yung pinaluto naming sinigang na isda, ay may bangaw na sahog. Hindi ko na sinabi na nasandok ko. Tinanggal ko na lang ng palihim sa bowl ko at saka ko pinilit na ubusin ang laman niyon. Masarap kasi kaya nanghinayang akong magsabi. Baka hindi na nila kainin. Hindi rin naman makakatulong kung magreklamo pa ako dahil gutom na gutom na ako. Sumakit nga lang ang sikmura ko, kalagitnaan pa lang ng kasiyahan namin.
Pero, mas sumakit ang tiyan ko sa katatawa dahil napunta sa challenge ang kantahan. Ang microphone daw kasi ay galit sa bakla. Isang BI at isang bakla ang kasama namin. Parehong below 80 ang score nila kapag kumakanta. Kaya nang ako na ang kakanta, susubukan daw nila kung bading ako. Tinodo ko. Halos, sumigaw na ako para lang makakuha ng mataas na score. Mabuti, madalas kong kantahan ang kantang natapat sa akin.
81 ako!
Nagtawanan kami. Totoo nga daw na galit ang mic sa bi at bakla. Muntik na ako dun ah.
Kumanta ang kasama naming batang lalaki. Naka-85 siya. Kumanta naman ang seaman na nanlibre sa amin. Malapit na yata silang ikasal ng kasamahan namin..
Tapos ang score niya ay 79. Boom panes! Hiyawan kami.. Bading din pala..
Kumanta naman ang tatay ng batang kasama namin o ang asawa ng katrabaho namin. Boom panes! Naka-80 siya. Bi siya. Tawanan uli kami.
Kumanta uli ako. 87 ang score ko. Pero, natakot na tuloy akong kumanta. Mabuti, pauwi na kami. Sila na lang ang kumanta.
Buwisit na mic..nambubuko!
Pero hindi pa rin nila alam na....may lumangoy na bangaw sa sabaw na hinigop namin. Hindi nila nabuko ang sikreto ko. Buwahaha..
Lesson Learned: HUWAG MAGPAKAGUTOM MASYADO..
No comments:
Post a Comment