Followers

Wednesday, July 16, 2014

Red Diary 119

KFC


Naggitara uli ako sa school bago ako umuwi. Developing na ang kanta ko para kay Dindee. Sigurado na akong makakakuha na naman ako nito ng mataas na points. Sabi nga ni Gio, "Superb, Bro!"

"Pa-superb-superb ka na ngayon, ah! Astig na ang vocabulary mo. Spell mo nga.."

"Ang galing na nga lang. Hirap spell-ingin, e!"

Nagtawanan kami. MInsan, natutuwa din ako sa mga punchline ni Gio e. Nakakaaliw din. Siya na nga ang matiyagang alalayan ako, siya pa ang nakakapagpatawa sa akin madalas. Kaya, niyaya ko siyang mag-KFC.

"Ito bang ang KFC na sinasabi mo?" tanong ni Gio nang mapatapat kami sa fishball stall.

"Oo! KFC, di ba? Kikiam. Fishball at Coke. Sige, tuhog na!'

Wala siyang nagawa kundi magtuhog ng fish ball at kikiam. Libre naman, e. At, habang lumalantak kami, sabi niya. "Libre din kita ng Maxx."

"Yaman mo naman, Max's!"

"Yaman ba yun? Maxx candy lang.."

"Amputa! Nayari ako dun, ah! Kala ko naman Max's Restaurant!"

Mamatay-matay sa katatawa si Gio. Naaliw ako sa sense of humor niya ngayon araw. Mabuti na rin iyon kesa makita ko siyang naiinis dahil sa mga pambubully sa kanya ng tropa. Kamakailan lang, halos mapaiyak siya ni Roma. 

Kaya naaaliw din siyang kasama ako dahil ako lang ang kaya umunawa at tumawa sa kanyang mga hirit. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...