"Tinatamad na akong sumayaw, Jake.." sagot ko sa kanya
nang yayain niya akong mag-rehearse. Kagigising ko lang. "Pwedeng
kayo na lang ni Lemar?"
Nagulat siya sa sinabi ko. "Alam mo naman na galit ’yun sa
akin, Kuya, e."
"Hindi! Tatawagan ko. Pakiabot ng cellphone ko sa bulsa ng pantalon
ko.." Tinatamad din akong bumangon. Gusto ko kasing puntahan ang Cherry
Blossoms Club.
Pumayag naman si Lemar. Pumayag na rin si Mama Sam. Hindi lang ako
sasayaw, pero pwede akong i-table. Naisip kong sumaglit sa club na ‘yun habang
nagsasayaw ang dalawa sa midnight show.
Pinapasok ko ng maaga si Jake. Sabi ko sa bar na lang sila mag-ensayo.
Umuwi na rin pala siya sa inuupahan niyang bahay habang tulog ako. Wala pa rin
daw paramdam mula kay Caren. Natanggap niya na ang nangyari, aniya. May mga
kapatid pa siyang pinag-aaral kaya kailangang tumuloy siya sa pagsayaw sa
tugtog ng buhay.
Ako naman... Dalawa na lang ang gusto ko. Ang makasakay sa barko. Ang
maging kabiyak si Lianne. Kaya ko lang naman gustong pumunta sa club na iyon
upang mapatunayang hindi si Lianne ang kausap ni Paulo. At kung siya man iyon,
hindi ko alam kung matatanggap ko pa siya. Kaya nga, kailangan ko na ring
huminto ng pakonti-konti sa hanapbuhay na ito para walang maisumbat sa akin ang
babaeng pakakasalan ko, pagdating ng araw. Ayokong magkaroon ng anak na katulad
ko —-hijo de puta.
No comments:
Post a Comment