Followers

Sunday, July 20, 2014

Red Diary 129

Practice


Habang wala si Daddy, kami ni Dindee ang nag-date. Sa bahay nga lang kami. Naisipan niyang magpictorial kami. Practice daw para sa Campus Personality. Siya na rin daw ang photographer ko sa gabing iyon.

Ayaw ko sana, kaya lang kinulit ako. Pumayag na lang ako, baka mabigyan pa ako ng points.

Pinagsuot muna ako ng school uniform. Tapos, panay na ang shot. Ginawa naming studio ang bahay. Panay naman ang delete namin sa mga pangit na anggulo.

Pinagsuot ako pagkatapos, ng casual. Naisip kong isuot ang birthday gift sa akin ni Daddy ang long sleeve checkered na polo. Pinartneran ko na lang ng yellow tight pant at red Vans shoes. Ayos naman! Ang pogi ko daw! Pag actual na daw, magsuot daw ako ng black-rimmed eye glasses. Hanep! fashionista pala ang love ko.. Nakakailib!

"Picture perfect ka talaga, Red! Ang sara mong pictyuran.." sabi ni Dindee habang tinitingnan namin ang mga shots niya sa akin.

"Salamat! Ganyan talaga pag gwapo." Kumindat pa ako.

"Nakanam! Hintayin mo naman na ako ang magsabi.."

"Hindi na kasi kita mahintay, excited, e." Nagtawanan kami.

Maya-maya..

"O, bihis ka na. Swim wear Competition na tayo.." wika ni Dindee. Seryoso.

"Wala pa akong tunks, di ba."

"Brief lang muna. Ano ka ba? Practice lang naman."

"Wag na!"

"Nahiya ka pa, eh. Profesional photographer ang kukuha ng shots sa'yo. Di kita pagnanasaan, noH! Kapal naman nito."

Napilitan akong mag-undie. Hiyang-hiya ako habang kinukuhaan niya ako ng litrato.

"Huwag mong ipo-post yan ha?" Pakiusap ko sa kanya.

"Oo.. Pero yung makukuhaan ko sa'yo sa atual na, ipo-post ko yun.."

"Sige. Wag lang ang mga 'yan.."

Tumawa ng malakas si Dindee, habang nakatingin sa camera. Malaman-laman ko, ang laswa pala ng mga nakuhaan niya..

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...