Natuwa si Mama Sam sa ginawa ni Lemar. Sa unang pagkakataon ay pinuri
siya ng aming floor manager. Maganda daw kasi ang impact ng performance niya.
Binati niya rin ako. Sabi ko, idea lahat iyon ni Lemar. Pinagbigyan ko lang ang
hiling niya.
Malaki naman ang kinita ni Lemar. Nagpasalamat nga siya sa akin nang
mag-uwian na kami.
"Walang anuman, Pre." Tinapik ko pa ang likod niya.
"Pa'no? Una na ako."
"Sandali lang. Magkape muna tayo."
"Sige."
Nilibre niya ako ng almusal at kape sa isang food chain.
Habang kumakain kami, saka ko lang naalala ang cellphone sa knap sack
bag ko. Nang buksan ko, maraming message. Isa doon ang text ni Lianne. "Musta?"
sabi niya. Alas-otso trenta y dos ng gabi kagabi pa iyon.
Agad akong nagtext. "Sori 4 d very late reply.. Mbti nmn aQ.
Kaw?"
Hindi siya nagreply sa loob ng limang minuto, kaya tinawagan ko.
Nag-ri-ring, pero hindi niya sinagot. Alas-singko na rin naman ng umaga. Kaya,
tinawagan ko si Paulo.
"Hello, Hector?!"
"Hello! Kumusta si Lianne?"
"Mabuti naman siya."
"Nag-text siya kagabi. Ngayon ko lang nabasa at nasagot. Tumatawag
ako, di naman niya nasagot. Saan kaya siya ngayon?"
"Baka, tulog pa.. Sabi niya kasi kagabi.. start na ng work
niya."
Natuwa ako. "Talaga? Saan daw siya nagwowork?"
"Hindi niya sinabi. Sabi niya lang.. call center."
"Mabuti naman kung ganun. Pareho na kaming call center agent."
"Oo. Natuwa nga ako. At least, di ba?"
"Oo nga, eh. Sige, pakisabi na lang.. tumawag ako. Pauwi na rin
ako."
"Sige, ingat ka.."
"Sorry, na-disturb ko yata ang tulog mo."
"Okay lang, basta ikaw. Bye."
Natuwa ako sa balita ni Paulo. Kaya lang, malabo na kaming magkita.
Pareho na kaming nocturnal workers.
"Sino 'yung Lianne, Pare?" Nagulat ako sa
tanong ni Lemar.
"Ah, yun ba? Kaibigan ko.. Salamat sa almusal, ha. Congrats
din!"
"Tuloy ba natin, mamaya?"
"Ang alin?"
"Ang show.."
"Ah.. pwede bang si Jake naman? Salit-salitan kayo.." Nakita kong
nalungkot si Lemar.
"O, sige.."
No comments:
Post a Comment