Followers

Thursday, July 17, 2014

Double Trouble 10

DENISE' POV

Mabuti na lang hindi na nag-usisa sa Ma'am Mitra tungkol sa assignment namin. Muntik na akong himatayin sa kaba. Mabuti na lang din ay hinaplos ako ni Krishna. Nawalang bigla ang nerbiyos ko. Hay, sarap! Salamat sa kaniya. Salamat din kay Kuya Dennis! They saved me.

Nakaligtas ako sa buong klase dahil sa mga assignments ko, na kinopya ko kay Kuya. I've learned a lesson. Mahalaga pala talaga ang pagiging handa, ang takdang-aralin, at ang pagiging masipag sa pag-aaral. Wala naman palang masama, kung gagawa ako ng assignment. Tutal may kuya akong nerd, maunawain, mabait, at masipag, bakit hindi ko iyon samantalahin? Sasabayan ko siya. Kung kaya niya, kaya ko rin. Ayaw ko namang grumadweyt ng 'Most Neat' lang ang award ko. Kung siya ang first honorable mention last year, bakit `di ko magawang maging 4th? Kaya ko naman siguro...

Uwian na. Marami akong natutuhan. Thankful ako sa kuya ko. Pero, hindi ko mahindian ang paanyaya ng mga barkada ko. Mag-mall daw kami sandali, tutal Biyernes naman. Hindi ko mahindian. Pero, hindi ko na kayang hindi makisabay kay Kuya sa pag-uwi. Kaya, niyaya ko na lang siya.

Nasa harap namin nina Krishna, Ruel, Carlo, Margaret, William, at Mark, si Kuya Dennis. Handa na siyang umuwi. "Kuya, join ka sa amin. Magmo-malling kami," masaya at sweet kong yaya sa kaniya.

Tiningnan niya muna isa-isa ang mga kasama ko, pagkatapos, ''Sige, tara!" ang sagot niya. Mas excited pa siya kaysa sa akin. First time niyang makasama sa mga lakad namin. Hindi naman kasi siya palabarkada. Pero, sa tingin ko, gustong-gusto niyang makasama sa amin palagi, kaya pumayag siya ngayon. Ayos naman! Wala namang problema sa akin at sa mga kaibigan ko. Astig nga, e, para double trouble ang dating. 


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...