Followers

Saturday, July 19, 2014

Red Diary 127

Nagbibinata


Alas-tres y medya na kami umalis ng bahay para i-celebrate ang birthday ni Daddy sa labas. Dapat daw sa bahay lang sila ng mga ninong at ninang ko, kaya lang hindi natuloy dahil nasalanta sila ng bagyong Glenda. Marami silang dapat asikasuhin.

Sa Robinson's kami dinala ni Daddy. Nagmeryenda lang muna kami tapos nanuod na ng sine. This time, pare-pareho na kaming may dalang jacket. Hindi na kami lalamigin ni Dindee. Hindi na rin kami pwedeng magyakapan. Makikita ni Daddy. He he.

Pagkatapos naming mag-sine, nag-dinner na kami. Parang malungkot si Daddy. Kami lang yata ni Dindee ang masaya.

"Dad, Happy Birthday po uli."

"Thank you!"

"Malungkot po kayo, Tito. Dapat happy po.." sabi naman ni Dindee.

Pilit na ngumiti si Daddy. "Masaya naman ako. Sige lang, kain lang kayo. Wag niyo na akong alalahanin."

Nakauwi kami ng bandang alas-nuwebe. Malungkot pa rin si Daddy. Naisip kong baka dahil hindi ko siya nabilhan ng regalo. 

"Dad, masahein po kita.. " turan ko nang sumalampak siya sa mahabang sofa.

"Sige nga, anak.. para ma-relax ako."

Sinimulan ko ang pagmamasahe. Maya-maya, tinanong ko siya kung may problema at kung bakit siya malungkot. Baka kasi nahihiya lang siya magsabi sa akin dahil maririnig ni Dindee.

"Hindi kasi dumating si Ms. Valbuena. Inimbitahan ko siya kanina.."

Natawa ako dun. Napatawa din si Daddy. "In-love ka na, Daddy. Yari tayo dyan.."

"O, bakit? May angal ka?"

"Wala po, Boss!" Nagtawanan kami. "Kaya pala.. Akala ko naman kung may mabigat na problema. Basted lang pala.."

"Hoy, hindi ako basted. Hindi lang nakapunta.."

"Ah..hindi pa ba?" 

Tawa ako ng tawa kay Daddy. Nagbibinata. Tinalo pa si Redondo.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...