Kumita ako ng limang libo at apat na daan kanina. Malaki rin ang kinita
ng dalawa, dahil itinable kami ng isang grupo ng mga matatandang bading na
nagta-trabaho daw sa isang TV network. Ayaw lang nilang sabihin ang channel.
Pero, ang isa, na nagbayad para mai-table ako ay binulungan ako na pwede daw
akong lumabas sa pelikula kung gusto ko. Binigyan niya ako ng numero niya na
sinulat niya sa tissue paper. Kung willing daw akong gumawa ng indie gay movie
ay i-text o tawagan ko siya para mai-refer niya ako sa producer ng ganung klase
ng pelikula. Kahit hindi ako interesado ay itinago ko iyon.
Alas-singko kuwarenta y siyete na ako nakalabas ng bar. Hindi ako
nakisabay kina Lemar at Jake, kaya nakauwi ako ng maaga.
Pagdating ko naman sa bahay, tumawag si Paulo. May gusto daw kumausap sa
akin. Si Lianne pala. Malungkot ang tinig niya. Gusto daw niya akong makausap
ng personal. Natuwa naman ako. For the first time ay siya ang nag-initiate
makipagkita. Pumayag naman siya na pumunta na lang sa bahay ko.
Na-realize ko na kaya pala ako naglinis ng banyo kahapon ay dahil
darating ang babaeng mahal ko.
Isang oras ang lumipas, dumating na sila. Ayaw na nilang mag-alamusal
kaya nag-usap na lang kami.
Naguguluhan si Lianne. Gusto daw ng boss niya na isabak siya sa mahirap
na trabaho. "Tatanggapin ko ba, Hector, kahit alam kong mahirap at
baka di ko magawa ng mabuti?"
"Una, nagpapasalamat ako dahil ako ang napagtanungan mo ng
ganyan.."
"Ikaw ang naisip ko dahil ikaw lang ang kaibigan namin ni Paulo na
nagtratrabaho din sa call center."
"Ah.. Sige.. By the way, take it. Pag binigay sa’yo ng boss mo,
take it. It means, may tiwala siya sa'yo. Para naman ‘yan sa'yo. Gawin mo lang
ng tama at maayos.. mataas ang mararating mo. Kaya mo ‘yan.'
"Talaga?"
Pagkatapos ng mahabang paliwanagan at kuwentuhan, nakumbinsi ko siya,
kahit hindi naman talaga ako call center agent. Ang laki naman ng pasasalamat
niya dahil nakapagdesisiyon na siya na tanggapin ang trabaho dahil sa payo ko.
No comments:
Post a Comment