Followers

Thursday, July 17, 2014

Red Diary 123

May pasok na si Dindee pero ako, wala pa rin. Mag-isa ako sa bahay ng mahigit kalahating araw. Kaya, sinamantala ko ang paggigitara. Hindi ko tinigilan ang kanta ko para sa kanya hangga't hindi ko nalagyan ng tono.

Bago dumating si Dindee, buo na ang kanta. Uulit-ulitin ko na lang para ma-memorize ko. 

Hindi niya alam na kinakarer ko ang pagbuo ng kanta para makakuha ako ng points mula sa kanya. Ibang klase siya, gusto naman niya ako pero pinahirapan pa ako. Mabuti na lang, mga talent ko ang mga dare niya sa akin. Sisiw!

Nang dumating siya, panay ang tanong sa akin kung anong ginawa ko. Sabi ko, natulog lang ako.

"Weey, di nga?!" 

"Oo nga! Ano bang dapat kung gawin?"

"Maglinis. Maglaba. Magwalis sa labas.. O kaya..maggitara."

"Tinatamad ako,e . sarap matulog pag malamig." Humikab pa ako kunwari. Gusto niya kasi malaman kung tinutupad ko pa ang hiling niya. Hindi siya nakakuha ng clue.

"Tamad mo talaga! Galaw-galaw, baka pumanaw.. Hmp! Dyan ka na nga. Magbibihis na ako."

"Sige na. Bihis ka na. Ipagtimpla mo na ako ng juice. Dali!" 

"Swerte mo namang lalaki ka! Gusto mo minus?"

"Ay hindi. Sabi ko..bihis ka na para makapagmeryenda ka na. Ipagtitimpla na kita ng juice.." Tumawa ako at tumawa na.

"Linawin mo. Iba ang narinig ko, e.." Tumawa din siya.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...