Followers

Sunday, July 27, 2014

Double Trouble 19

DENNIS' POV

Bago kami pumasok sa school, iniabot ko na kay Denise ang love letter ko para kay Krishna. Umaasa akong magugustuhan niya ang effort ko.

Habang may klase kami, panay naman ang tingin ko kina Denise at Krishna. Panay na naman ang tawanan nila, pero parang hindi ko pa nakitang nagbabasa si Krishna. Wala pa siyang binasang sulat dahil ang nakikita ko ay mga books.

Kaya, nang recess, palihim kong tinanong si Denise kung naibigay niya.

"Oo! Thank you raw. Ang sweet mo raw pala."

Kinilig ako. Mabuti at nagustuhan niya. "Ano pa ang sabi? Kailan daw ang sagot?"

"Sagot agad?"

"I mean, ang reply ng sulat..."

"Ewan ko... Walang sinabi."

Gayunpaman, masaya na ako. Mauunti-unti ko na siyang ligawan. Malaman ko lang na natuwa siya sa sulat ko, maligaya na ako.

Nang uwian, pinag-aagawan ng tropa ni Denise ang isang bond paper na may drawing.

"Akin na `yan!" narinig kong galit na sabi ni Krishna. Nainis ako sa kaklase naming nang-asar sa kaniya. Kaya lang hindi ako makalapit. Hindi kasi ako pinansin ng kapatid ko. Dati-rati, tinatawag ako at aakbayan, ngayon, dedma ako.

"Ang galing talaga ng kamay ni Denise!'' Narinig ko namang sabi ng isa. "Akalain mong gayang-gaya ang mukha ni Krishna."

"Ang sweet ninyo," sabi uli ng mapang-asar naming kaklase.

Narinig kong pinatahimik siya ni Denise. Nagtinginan sila at tiningnan nila ako. Nakayuko ako kaagad.

Alam ko na... Tomboy ang kapatid ko. Karibal ko siya kay Krishna.

Shit! Gusto kong magmura! Bakit?! Bakit gano'n?


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...