Followers

Wednesday, July 16, 2014

Red Diary 111

Kaltok


Nag-draft ako ng lyrics ng kanta kanina. Kapag wala na akong ginagawang seatwork, sinusulat ko ang nasa puso at damdamin ko. Hindi ako makapag-concentrate dahil ako ang pinagtitripaan ni Roma, since hindi pa sila bati ni Riz. Nakuha niya nga ang notebook ko kung saan ako nagsusulat ng kanta. Tapos, itinakbo niya. Naghabulan pa nga kami. Hindi ko lang kunwari naabutan. Alam ko naman na ibo-broadcast niya.

Binasa nga niya ng malakas. Kunwari galit ako. Minura-minura ko pa para kapani-paniwala. Pero ang gusto kong mangyari ay marinig ni Riz na sumusulat ako ng kanta pero hindi para sa kanya

Nang matapos basahin ng bakla, ibinalik naman niya ng patapon. Ayaw ng lumapit sa akin kasi pinagbantaan kong babatukan ko.

"Para kanino 'yan, Red?" tanong ni Rafael.

"Oo nga! Mukhang in-love ka na sa isang tao d'yan." sabad naman ni Nico. Tiningnan pa si Riz.

"Akin na lang yun..  Hindi nyo sa kilala."  Nakita kong biglang yumuko si Riz. Gusto kong pagsisihan nya na pinakawalan niya ako. He lost a gem. He he

"Ha? Hindi namin kilala? Ibig sabihin..hindi si..? Si Nico uli.

"Malihim ka na sa amin, Red!" Tampo-tampuhan si Rafael

"May alam ako. Di ko sasabihin.." Kinanta pa ni Gio ang sinabi niya.

"Halika ka nga dito, Romeo! Kasalanan mo 'to, e. Sarap mong kaltukan.." Kunwari galit pa rin ako.

"Sorry na kasi, Red.. Red..Sorry.." Nagbibiro pa siya.

"Kaltukin muna kita.."

"Wag po, koya. Wag poh!" Nag-acting-acting pa siya sa pader na parang ginagahasa.. Nagtawanan tuloy ang mga kaklase namin.

Sabi ng isa: "Sige na., kaltukin mo na ang baklang 'yan!'

"Wag naman..masisira ang alindog ko.."

"Meron ba?" Si Rafael.

Tawa  kami ng tawa. Si Riz? Malungkot. Di maipinta ang mukha. Kawawa naman ng dati kong dreamgirl.. Tsk tsk.

No comments:

Post a Comment

PAGKAKAWANGGAWA (Akrostik)

Pagtulong sa kapuwa nang walang hinihinging kapalit Ay isang kaugaliang dapat matutuhan kahit ng paslit Galing sa pusong tulong o bigay,...