DENNIS' POV
Katabi na naman ni Denise si Krishna. Sabi niya, hindi niya ito kaibigan. Sinungaling! Nagtatawanan at nagkukulitan pa nga sila, e.
"Good morning, class!" bati sa amin ni Mrs. Mitra pagbungad niya pa lang sa classroom namin. Siya ang second period teacher namin. Siya ang nagtuturo ng Araling Panlipunan.
Sabay-sabay kaming tumayo at binati siya.
"Umupo na at ilabas ang mga takdang aralin." Nagsimula na siyang umikot at tingnan ang mga homework ng first row. Pagdating sa row nina Krishna at Denise, nagulat ito, pero masaya. "Gan'yan nga, Denise! Mahusay! Gumagawa ka na ngayon ng takdang-aralin."
"Opo, Ma'am!" Medyo naramdaman ko ang kaba ni Denise sa kaniyang sagot.
"Nakalampas na si Ma'am Mitra sa kapatid ko nang nagsalita uli ito. "Siguro ay may nakakapagpa-inspired sa `yo..."
Walang nag-react. Ako lang ang nakagawa no'n. Sinabayan ko lang siya sa gusto niya at pinakopya ko. Sa susunod gusto kong kusang-loob siyang mag-aaral at gagawa ng mga school works. Mabuti nga at may summative test kami ngayon, kaya hindi religiously tsinekan ni Ma'am Mitra ang assignment namin. Kung nangyari iyon, malamang malalaman nitong pareho ang sagot namin.
Pagkatapos ng test, nakita kong nakahinga nang maluwag si Denise. Hinaplos pa nga ni Krishna ang likod niya. Sana ako na lang si Denise. Ako sana ang hinaplos nito sa likod. Sarap.
No comments:
Post a Comment