Bago mag-ala-singko y medya ng hapon, umalis na si Mama Sam. Papasok siya sa bar. Pinaalalahanan naman niya ako na pumasok ako sa Sabado. One week lang kasi ang paalam ko.
Pagkaalis niya, hinarap ko naman ang planner. Binuklat-buklat ko, baka-sakaling may mahanap akong ideya kung paano ko mami-meet ang babaeng nakaiwan ng planner.
Biglang pumasok sa isip ko na i-text ang isa sa mga number na nakasulat sa likod ng planner. Si Sofia ang inuna ko. Miniskol ko muna. Nag-ring.
Text ko: "Good morning! This is Hector. Your friend who is using this number: 0930####### left his planner at a convenience store. I want to return it to her. Please help me." Ganyan na ganyan ang text ko para kunwari wala akong intensiyonng makita, makilala at mahalin ang kaibigan ng tinext ko.
Magkakalahating oras na ang lumipas, wala pa ring reply mula kay Sofia. Nag-try uli ako. Same message. Pinorward ko kay Paulo. Lalaki naman ang tinext ko baka mas nakakaunawa. Baka mas magtitiwala sa akin.
"How can I help you, Sir?" Reply agad si Paulo.
Tinawagan ko na lang para mabilis ang usapan namin. "Hello!? This is Hector."
"Hello, Hector?" Boses bading ang kausap ko.
"Paano ko ba maisasauli itong planner sa kaibigan mo?"
Nag-isip ng ilang sandali. "Bigay mo na lang sa akin. Nasa Pangasinan na kasi siya. Nagtext sa akin kagabi na hindi na siya mag-aaral dahil may cancer ang Papa niya.."
Ah, kaya pala, naisip ko.
Mas lalo akong nagkainteres sa kanya. "Ah, ganun ba? Sige, ibigay ko na lang sa'yo. Saan ka ba ngayon?"
Nai-set namin ang tagpuan namin--same place kung saan naiwan ang planner. Nakumpirma ko rin na bading nga ang kausap ko. Mabuti na lang dahil magagawa ko ang plano ko. Gagamitin ko ang magic ko sa mga bading para makapunta sa bahay ni Lianne.
Oo, siya si Lianne. Salamat kay Paulo dahil madaldal siya.
No comments:
Post a Comment