Alas-sais na nag-reply si Sofia. "Sori poh, laTe rePly.. di nia na rw kailaNgn 'yn. kiP it n lng poH. thnx."
"Ok" lang ang reply ko. Hindi ko na siya kailangan. Si Paulo ang pwedeng makatulong sa akin.
Alas-nuwebe ng gabi, nag-meet kami ni Paulo sa 7-Eleven. Pagkabigay ko sa kanya ng planner, hindi ko agad siya pinaalis. Naramdaman ko rin naman sa kanya na type niya ako. Kinamayan ko kasi siya at inakbayan habang palabas kami ng tindahan.
"Dinner muna tayo. Treat kita." yaya ko. "Di pa kasi ako naghapunan. Wala akong gana kapag walang kasalo."
Speechless ang bading. Tila nahipnotismo ko sa akbay ko. Kusa na lang siyang nakisabay na lakad patungo sa Sisig King, kung saan kokonti ang mga kumakain.
Habang kumakain kami, titig na titig siya sa braso ko. Ako naman, sinuri ko siya. Malinis naman. Pormal. Hindi nagdadamit pambabae. Pero, boses bakla talaga siya.
Natawa din ako ng konti dahil naisip ko, malapit talaga ako sa mga third sex. Sa workplace ko ay halos bading ang customer. Pati ba naman ang kakasangkapin ko para makilala ang babaeng mamahalin ko ay bading din. What a funny world?!
Di bale na. Pagtitiisan ko na lang para matagpuan ko na ang babaeng matagal ko nang hinahanap--si Lianne.
Nagkuwentuhan kami tungkol sa pag-aaral nila. Napag-alaman ko na fourth year college na sila. Nursing nga ang kurso nila. Matalino daw si Lianne. Pero, dahil sa nangyari, kailangang niyang i-give-up muna ang pag-aaral para matulungan ang ama sa pagpapagamot.
"Mahalaga ang edukasyon. Sana mapayuhan mo siya na huwag na lang huminto. Maraming paraan para makatapos siya habang tumutulong sa mga gastusin ng kanyang ama.." Naaawa talaga ako kay Lianne. Hindi ko pa man siya nakakausap, alam kong mataas ang pagpapahalaga niya sa edukasyon at mataas ang pangarap niyang makatapos ng pag-aaral.
"Hayaan mo, sasabihan ko.."
"That's good, Paulo.. Kelan tayo pupunta sa kanila?"
Nagulat si Paulo. "Sure ka? Gusto mong pumunta sa kanila? Bakit?"
"Tinatanong pa ba yun?" Ngumiti muna ako. "Gusto ko siyang makilala..."
No comments:
Post a Comment