Sa dyip, habang pauwi ako, binuklat ko ang planner na naiwan ng babaeng
misteryosa. May cellphone number. May email address. May Facebook account. Mas
interesado akong tawagan siya. Kaya pagdating ko sa bahay, nagkape ako.
Pampawala ng antok. Hinintay ko munang mag-alas-sais. Naisip ko, baka masyado
pang maaga para tawagan siya.
"Hello, Miss."
"Hello, sino po sila?"
"I'm Hector. Naiwan mo sa 7-Eleven ang planner mo.."
"O, yes! It's not that important. Thank you!"
"But, I want to return it to you.." Kailangan kong
maging formal since formal siyang kausap. Pinaramdam ko sa kaniya na nais kong
ibalik sa kanya ang bagay na hindi man mahalaga sa kanya masyado ay kailangan
pa niya.
"It doesn't matter.. Hindi naman ‘yan mahalaga masyado sa akin..
Keep it if you want.."
"No.. It's yours.. If you have time.. meet me where you lost
it."
"I don't think I can be there pa.."
"W-what do you mean?"
"Baka di na ako makapasok.. I'll stop studying.. Bye!"
"Wait, Miss.." Napindot na niya. Kaya, tinawagan ko
uli siya. "Hello, Miss.. "
"Stop me, please.." She's irritated pero hindi siya
nagtaas ng boses.
"Sorry.. But, kailangan kong isuli ang hindi sa akin.."
"Ayoko na nga niyan! Makulit ka, Mister!" Tuluyan na siyang
nagtaas ng boses. But, hindi niya pa binaba ang telepono.
"Sorry, Miss.. I just want to be your friend.."
"Well, I'm not looking for one..!" She clicked of her
cellphone. Hindi ko na siya tinawagang muli. At least, may number na niya ako.
Paaamuin ko siya.
No comments:
Post a Comment