Followers

Saturday, July 5, 2014

Hijo de Puta: Dos

Iginiling ko ang aking hubad na katawan. Manipis na saplot ang nakatabing sa aking maselang bahagi. Magdadalawang taon ko na itong ginagawa kaya sa bawat indayog ko ay naghahatid ako ng makamundong libog at init sa mga parokyanong bading at matrona. 

Bawal akong ilabas. Nakakontrata ako sa Xpose Bar para sumayaw at hindi para ikama. Kumikita ako sa pagti-table at sa mga tip. Sa bawat pagsayaw ko, mahina ang dalawang libong pisong kita ko. Sapat para makakain ako, makabili ng mga pangangailangan at makaupa ng tirahan. 

Hindi ko ginusto ang trabahong ito, pero masaya ko itong ginagawa. 

Sa ilang buwan kong pagiging star dancer, ngayon lang ako tinamad at nawalan ng ganang gumiling. Napansin iyon ni Mama Sam kaya tinawag niya ako. Pinalabas niya ang mga kasamahan ko sa dressing room.

"Ano bang problema mo, Hector? Walang sabor ang giling mo!" Paypay ng paypay ang matandang bakla habang kiankausap ako. "Disappointed ang mga customer."

"Mama Sam, pwede ba akong mag-leave? Kahit isang linggo lang?" Naisip ko, hindi na ako masaya. Naalala ko ang mukha ng babae sa convenience store kanina. Siya ang babaeng matagal ko ng hinahanap. 

"What? Are you crazy? No! Hindi pwede." Napalakas ang pagpaypay ni Mama Sam.

Nilapitan ko siya at nilambing. Alam ko ang kiliti niya. Niyakap ko ang baywang niya, Idinikit ko ang ari ko sa likuran niya at unti-unti kong ikiniskis. "Sige na, Mama Sam.. Isang linggo lang naman. May hahanapin lang ako.."

"Narinig ko na 'yan!"

"Ngayon lang ako nagpaalam sa'yo.." Matigas na ang titi ko na nakatutok na sa puwitan niya. 

"O, siya.. Sige.. alam mo na ang kapalit.. Bukas ng umaga, pupuntahan kita sa bahay mo."

Wais talaga si Mama Sam. Laging may kapalit. Kung hindi ko lang talaga kailangang hanapin ang babaeng misteryosa, hindi ako magpapablack mail sa gurang na iyo. Nandidiri ako sa kanya, pero di bale na. Isang ligo lang 'yun. Ang mahalaga, makilala ko si Marian Rivera look-alike.

No comments:

Post a Comment

Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1

Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...