Ilang
araw ang lumipas, wala pa rin akong balita kay Gelay. Hindi ko na nakitaan ng
ligaya ang mukha ni Zillion. Alam kong hindi rin niya ma-contact ang dating
girl friend. Gustong-gusto ko na silang magkabalikan dahil alam kong
naapektuhan na ang pagsusulat ng anak ko. Bihira na siyang makapag-update sa
kanyang Wattpad stories. Kapag matagalan ang kanilang pagbabalikan, malamang
matagalan din ang Book 2 ng Red Diary.
Nasa
kalagitnaan ako ng pag-a-update ng mga stories ko nang mag-text si Rhea, ang
Creative Writing student ko na pinag-follow ko kay Gelay para makakuha ng
impormasyon. Sabi niya: Gud
eVe poh, SiR! mY book-signing poh c GeLay sa trinoma sa suNday. conFirmed
poh." Tuwang-tuwa
ako. Sa wakas, maisasakatuparan na namin ang aming plano.
thnx,
rheA! :)
welcOme
poh!
Gudnyt!
GOOD
NiTe poh
Pinagplanuhan
ko ang mga gagawin ng gabing iyon. At, kinabukasan, masaya kong kinausap si
Zillion. Sobra ang kaligayahan niya. Noon ko lamang siyang nakita muling
ngumiti ng kaytamis.
Excited
na po ako, Dad!
Me,
too, Zillion..
Good
luck, son.
Dumating
ang araw ng Linggo. Maaga pa lang ay nasa Trinoma na kami. Bumili kami ng
labingtatlong piraso ng libro
ni Gelay. Unti-unti na ring nagsidatingan ang mga estudyante ko sa Creative
Writing.
Mula
sa malayo, tanaw namin si Gelay. Nakita rin namin ang kanyang Daddy.
Mahaba
na agad ang pila. Nasa pang-sampung pila si Rhea kasunod ng labindalawa pa
niyang kaklase.
Habang
unti-unting nakakalapit ang mga estudyante ko, palakas din ng palakas ang kabog
ng dibdib ko. Inakbayan ko si Zillion at tinapik-tapik ko ang kanyang likod.
Sumunod
na nangyari, tinawag na kami ni Rhea.
Gelay,
meet your No.1 fan... Zillion! pagpapakilala ni Rhea.
Mula
sa likod ng mga pumila, bumungad kami kay Gelay, na hindi makapaniwala sa
kanyang nakita. Binuo naman ng mga kasabwat ko ang I LOVE
YOU GELAY na
nakasulat sa bawat unang blankong pahina ng librong pinapirmahan nila kay
Gelay. Hindi pa kami nakakalapit sa kanila. Sabay-sabay pang nagsabi ang mga
kasabwat ng "I
Love you, Gelay!"
Hindi
na ako lumapit kay Gelay. Hinayaan ko na si Zillion na dumiskarte. Limang
hakbang ang layo ko sa kanila.
Nakita
kong bumati muna ang anak ko sa Daddy ni Gelay.
Gamit
ang lapel mic na sinuot niya bago kami lumapit, nagsalita si Zillion. I'm
sorry, Gelay. I love you!
Mangiyak-ngiyak
si Gelay. Naghihiyawan na ang mga fans ni Gelay.
Bago
nagsalita si Gelay, tiningnan niya muna ang kanyang ama. Nakita kong kumibot
ang mga labi niya at tinuran niya ang mga salitang "I love you, too,
Zillion". Tapos, niyakap niya ang anak ko. Lalong lumakas ang hiyawan.
Nagkatinginan kami ng Daddy ni Gelay. Nginitian niya ako at sumaludo siya sa
akin.
No comments:
Post a Comment