Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 15:Praning
Maaga akong bumangon, kahit kulang ako sa tulog, dulot ng pag-iisip ko kay Riz. Kinontak ko siya. Tatlong beses. Ngunit, hindi niya sinasagot. Ring lang nang ring ang cellphone niya. Mahigit bente-kuwatro oras na niya akong tiniis. Wala ni isang text. Nag-open ako ng FB ko. Binuksan ko ang timeline niya at nabasa ko ang status update niya 20 hours ago.
"Hindi ko ipinipilt ang sarili ko sa taong ayaw sa akin."
Galit nga siya. Akala niya ay pinaasa ko lang siya. Ang totoo, torpe lang talaga ako. Litseng pangarap na 'yan! Bakit ba kasi pinangarap ko pang magpari? May nasaktan tuloy ako. Hindi ko sinasadya. Dati naman ay hindi ko siya iniisip. Ang relasyon namin ay tulad lang ng sa mga kaibigan ko. Bakit ngayon ay pareho kaming nagtatampo? Kung kelan handa na akong ligawan siya, saka naman siya sumuko.
Nag-comment ako sa post niya. Sabi ko: "Hindi niya pinilit mahalin mo siya. Pero, hindi ka rin niya pinaasa. Nahuhulog na nga ang loob niya sa'yo."
Shit! Ang lakas ng loob ko! First time kong gawin ito. Ni minsan, hindi ako nag-comment tungkol sa pag-ibig. Tama nga sila, nakakapraning ang umibig.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1
Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment