Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 16: Toy Car
Hahayaan ko munang mag-isip si Riz. Siguro ay kailangan naming mag-usap nang personal. Mabuti na rin na dinelete niya ang post niya, kung saan ako nag-comment. Naisip niya rin siguro, na baka tuksuhin lang siya ng mga kaibigan namin. Naisip ko rin, na baka gusto na talaga niya akong iwasan nang tuluyan. Sana 'wag niya naman akong i-unfriend sa Facebook.
Iiwasan ko na rin ang pag-like at pag-comment sa mga post ni Dindee. Siya kasi ang dahilan ng lahat ng ito.
Habang binibigyan ko ng panahon si Riz. Naisipan kong maglaro ng aking remote control car. Nag-isip-bata na naman daw ako, sabi ni Mommy. Hindi niya alam na may pinagdadaanan ako. Kung pwede ko lang sanang ipagtapat sa kanya. Kay Daddy ko lang ako nag-o-open up. Siya kasi ang kasama ko sa bahay. Isa pa, andami niyang experience.
Enjoy na enjoy ako sa paglalaro ng toy car. Pinagtripan ko ang pusa. Pinapahabol ko sa aking laruan. Ang lolo ko naman ay panay ang tawa. Astig daw. Samantalang ang mga pinsan kong lalaki, tulo-laway. Gustong manghiram. Kaya, nang mapagod ang mga daliri ko, pinahiram ko sa kanila. Ang bilin ko lang ay huwag nilang ibabangga nang todo para ‘di magasgas. Ayokong may gasgas ang kahit isa sa mga toy car collection ko.
Salamat sa laruan ko. Kahit papaano ay nalimutan ko si Riz.
Naisip ko naman sa bandang huli, na hindi ko dapat siya kinakalimutan. Dapat ay sinusuyo ko pa nga siya dahil ako naman ang lalaki. Tama! Susuyuin ko siya. Ipapadama ko sa kanya na totoo ang sinasabi ko. Alam ko, nagpapakipot na siya. Dati naman ay vocal at obvious siya sa kanyang damdamin. So, it's my time to make the first move.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1
Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment