Followers
Saturday, July 5, 2014
Red Diary 3: Celibacy
Tumawag si Daddy kanina. Tinanong ako, kung kelan daw ako babalik sa Manila.
"Hindi ko po alam kay Mommy. Ayaw niya pa po akong pauwiin. First Monday of June pa naman daw ang pasukan," sagot ko kay Daddy.
"Nag-e-enjoy ka ba d’yan?"
"Opo, Dad!"
Walang nagawa si Daddy. Hindi naman niya puwedeng pangunahan si Mommy dahil mag-aaway lang silang lalo. Mabuti nga at pumayag si Mommy na sa Manila ako mag-aral ng high school hanggang kolehiyo.
Ang hirap ng broken family!
Kailangan kong timbang-timbangin ang sitwasyon. Gusto kong kasama silang pareho, pero hindi na puwede. Hindi na nila gusto ang isa't isa. Wala nang spark sa pagitan nila.
Oo nga't pareho silang hindi nag-asawa ng iba, pero broken pa rin kami. Bilang anak, ako ang pinakaapektado. Kung mahina nga lang ako, siguro ay isa ako sa mga kabataang nagrerebelde sa magulang. Ngunit, iba ako… Nauunawaan ko silang pareho. Hindi ko man lubos maisip, kung paano sila matutulungang magkabalikan, nagpapakabuti naman ako upang hindi na ako madagdag sa kanilang pasanin.
Isa ito sa mga problema ko. Hindi ko ito kayang masolusyunan. Sina Mommy at Daddy kasi ang may hawak ng kanilang puso. Gayunpaman, malaki ang tiwala ko na magkakabalikan sila, in God's time. Siguro, on-going na ang kanilang realization. Pride lang ang pinaiiral nilang dalawa.
Siguro kapag natupad ang hiling ko, ako na yata ang pinakamasayang anak sa mundo.
Siguro, hindi na maaapektuhan ang mga grades ko.
At malamang sa malamang, cum laude ako sa college, kasi sabi ng mga guro ko, matalino raw ako. Absenero lang. Tama naman sila.
Siguro, kapag nagkabalikan sila, hindi na ako magpapari. Kasi, malamang mamana ko sila. Kapag nag-asawa ako, makikipaghiwalay lang din ako sa asawa ko. Masisira lang din ang kinabukasan ng magiging anak namin. So, mabuti pang magpari na lang ako.
Ang tawag diyan— CELIBACY.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1
Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment