Followers
Saturday, July 5, 2014
Red Diary 4: Escort
Excited na akong maging escort bukas sa Santacruzan. First time ko. Madalas escort lang ako sa classroom. Pero, this time escort na ako ng Reyna Emperatriz. Iba ang feeling. Feeling Igop! Poging-pogi ang dating, kapag eskorte ang role mo sa Santacruzan.
Salamat kay Dindee dahil ni-request niya ako sa parents niya…
Si Dindee ay classmate ng pinsan kung si Karrylle. Nagkita kami, once sa isang convenience store. Kasama ko noon ang mga pinsan ko. Nag-Magnum Gold kami.
Grabe ang recall nitong si Dindee! Napusuan niya akong maging eskorte, gayong ‘di naman kami magkakilala. Kinasabwat niya si Karrylle.
Ayos lang naman, dahil isa na namang milestone sa buhay ko ang magiging experience na ito. Akalain mong dito sa probinsya pa mapapansin ang kapogian ko.
Bagay naman kami ni Dindee. Maganda naman siya. Kutis-mayaman. At, talagang mayaman dahil sagot ng mga magulang niya ang barong at pantalon ko. Pinasukatan pa ako ng parents niya sa isang tailor. Bukas daw ng umaga ay ide-deliver na sa akin… right at my doorsteps!
Sosyal! Ang lakas maka-pogi...
Pasok si Dindee sa panlasa ko. Kung makikita siya ni Daddy, malamang sasabihin na naman niya sa akin, "Great choice, Red! Manang-mana ka talaga sa akin!" (Ang yabang ng Daddy ko, ‘no?)
Kinilig nga rin sina Mommy, Lolo at Lola, pati ang mga pinsan kong asungot. Campus crush daw kasi si Dindee. Lucky One daw ako, kasi ako pa ang pinili. Ang sama naman nila! Campus Ano din naman ako, a! CAMPUS PASAWAY, nga lang!
Agree naman ako. Maganda talaga si Dindee. Ang sarap maging girl friend... Kaya lang, ‘di pwede... Magpapari ako, e. Hanggang dun na lang kami. Pagkatapos ng Santacruzan bukas, wala na. The rest is history.
LOLZ!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment