Followers

Sunday, July 6, 2014

Red Diary 33: Tampo

Sinundo ko si Mommy sa airport. Andami rin kasi niyang dala. Dinaig pa ang galing abroad. Mabuti nga at pinasakay sa eroplano. Sinama niya nga ako sa boarding house niya. Tapos, pinag-stay pa ako, kahit ayaw ko. Sabi ko, uuwi agad ako kasi walang kasama si Daddy kapag dumating. Aba'y nagtampo ang ina ko. Bakit siya raw ba ay may kasama? Bakit ‘di ko daw siya inaalala? Oo nga, ano?! “Sorry po, Mommy...” sabay kamot sa ulo. Tapos, nag-drama na si Mommy. Darating daw ang araw na hinding-hindi na niya ako makakasama at masosolo. Ngayon pa nga lang na wala pa akong girlfriend o asawa ay hindi na niya ako masarili, how much more pa kaya kung busy na ako sa sariling lovelife o pamilya. Nag-self-pity si Mommy... Wala tuloy akong nasabi. Hinayaan ko siyang magsalita. Totoo naman kasi. Na-realize ko na nilalayo ko ang loob ko sa kanya. Once in a blue moon na nga lang akong dumalaw sa boarding house niya, tapos parang sinisindihan pa ng posporo ang puwet ko. Ayaw kong magtagal sa kanya. Ni ayaw kong matulog doon. Ang init naman kasi sa kuwarto niya. Para akong nasa pugon. Hindi ako makatulog. "Hayaan niyo na po, Mommy. Huwag ka na pong magtampo. Promise, dadalaw na ako sa'yo nang madalas." "Promise?" "Promise po!" Hindi ko lang masabi kay Mommy na binabantayan ko si Daddy. Ayokong may dadalhin uli siyang ibang babae sa bahay namin. Kung magdadala siya ng babae, gusto ko si Mommy na. Sana masabi ko rin kay Mommy na dalawin niya ako minsan sa bahay. Gusto kong makita niya si Daddy. Baka sakaling magka-inlaban uli sila. Hmm. Machong-macho pa rin si Daddy. Hindi malayong malaglag ang bikini niya kapag nagkita silang muli. Naughty ka talaga, Red.. Pagpaplanuhan ko ang pagkikita nila.

No comments:

Post a Comment

Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1

Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...