Followers

Sunday, July 6, 2014

Red Diary 32: Tula

Ang sarap ng tulog ko kagabi. Nakatulong ang gatas na tinimpla sa akin ni Daddy, bago ako natulog. Hindi ko tuloy nabasa ang mga text messages sa akin nina Mommy, Dindee at Gio. Nag-missed call pa nga silang tatlo. Si Dindee, nangungumusta lang. Saka, wala raw siyang makausap. Bakit ‘di ko raw sinasagot? Galit daw ba ako sa kanya? Si Mommy, uuwi na raw ngayong hapon. Mag-i-airplane siya. Gustong magpasundo. Magkita raw kami sa airport, tapos isasama niya ako sa boarding house niya. Mag-reply daw ako agad. Siguro ay nag-text din kay Daddy, kaya tumigil na sa katatanong kung nasaan ako. Nakalimang text din na puro "San k b, Red?" Si Gio naman ay may bad news… Nagalit daw sa kanya si Riz sa text. Tinawag siyang sinungaling. Bakit daw ba nagawa niya 'yun sa kanya. Ang corny ko raw. Natatawa lang ako. Kawawa si Gio. Siya ang tinext, e. Sana ako na lang. Di bale, hindi naman sensitive 'yung bestfriend ko. Sanay 'yun sa pagalit, okray at asaran. Pan-dessert niya lang 'yun. Kaya lang, lalo lang akong namublema. Hindi pala kinilig si Riz. Na-cornihan pala siya sa effort ko. Sayang naman! Ako na lang siguro ang may guts na mangharana, tapos balewala lang. Anong bang gusto niya? Gusto niya ng santong paspasan? Hindi ko kaya 'yun! Okay na ako sa harana. Hmmm.. Pwede rin akong sumulat ng tula. Oo, tama! Gagawan ko siya ng tula… Tapos, tutulaan ko uli siya. Ang tanong:Papayag pa kaya si Gio? Pumayag pa kaya siya na tulungan niya akong i-set up kami? Sa tingin ko, hindi na. Bahala na. Susulat muna ako ng tula.

No comments:

Post a Comment

Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1

Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...