Followers

Saturday, July 12, 2014

Red Diary 81: Kape

Hindi ako sanay na hindi ako kinikibo ni Dindee, kaya bago pa mapansin ni Daddy ang ‘di namin pagkikibuan, kinausap ko na siya sa labas, habang nagwawalis siya ng mga tuyong dahon.
            ''Gusto mo bang magsimba tayo sa Baclaran?'' banat ko. Baka sakaling iyon ang makapagpapalubag ng loob niya.
             Hindi niya ako pinansin. Tiningnan niya lang ako.
            ''Tulungan na kitang magwalis.'' Kinuha ko sa kanya ang walis. Inagaw niya uli.
            Pumasok na ako sa bahay. Walang nangyari. Naisip ko, bakit kaya ‘di niya ako kinikibo? Kung nagkakahiyaan lang kami dahil sa halik, dapat makikipag-usap pa rin siya kahit paano. Di ko alam…
             Lumabas uli ako, pero dala ko na ang gitara ko. Tinugtog ko  ang "Sorry Na" ng Parokya Ni Edgar. Natapos ko ang buong kanta, pero ‘di pa rin siya ngumingiti. Kinanta ko naman ang "Sorry" ng Cueshe. Hindi ko pa natatapos ang kanta ay pumasok na siya ng bahay. Hindi ako tumigil. Mas nilakasan ko lang ang boses ko at ang pagtugtog ko para marinig pa rin niya, kahit nasa loob siya.
            Kinanta ko uli. But this time, more dramatic. Medyo naiiyak na ang boses ko. Hindi ko kasi kayang ganito kami. Makulit siya, pero kapag ‘di niya ako kinikibo, nami-miss ko siya.
In life nothings certain/You'll never know when it'll happen/Some burn out while some fade away/It doesn't matter we're heading that way/If I had the time I'll spend it with you/Time gets you old and weary/Like a lifeless ordinary"Some burn out while some fade away/I don't want you to go I want you to stay/If I could turn back the time/I'd spend it with you/I want you to know/Even though you're gone/That I'm drowning in tears/I wish you were here/And hear me say/Believe me, I'm sorry...
            Hindi ko na kayang ituloy. Tumulo na ang luha ko. Mahalaga pala si Dindee sa akin. OA man pakinggan ang pagluha ko, pero totoo. Hindi ako nagbibiro. Nalulungkot ako.
            ''I'm sorry din...'' Si Dindee, nasa harap ko na pala, may dalang tray na may dalawang tasa ng kape.
            ''Dindee... B-bati na tayo?''
            ''Bakit nag-away ba tayo?'' Tumawa siya. ''O, heto, magkape muna tayo. Pag-usapan natin 'yang mga luha mo.''
            Bigla tuloy akong nahiya. Agad kong pinunasan ang mga luha ko.
            Humigop muna ako ng tinimpla niyang kape. Ang sarap niyang magtimpla. Puwede nang mag-asawa. Pero, hindi ko sinabi ‘yun. Ang sabi ko: ''Sorry at salamat sa halik mo kanina.''
            ''Hindi ka dapat bumitiw. Nainsulto ako.'' Lumungkot uli ang boses niya.
            ''Sorry. Naalala ko kasi na hindi tayo puwedeng ma-carried away.''
             ''Ikaw ang nauna. Nadala lang ako.''
            ''Oo nga.''
            Tumahimik kami. Walang nagsalita sa loob ng dalawang minuto.
            ''Hindi tayo…'' Nagsalita na ako. '…puwedeng ganito nang ganito. Ayokong malaman ito ng mga magulang natin. Kung gusto mong magkasama pa rin tayo… iwasan natin ang dumikit sa isa't isa.'' Sinabi ko sa kanya ang kakaibang bagay na naramdaman ko sa sinehan. Kaya kung mauulit nang mauulit ang mga iyon, baka masira namin ang aming mga kinabukasan. Maaga kaming magiging magulang.

           ''No. Hindi ko sinabing lumayo ka. Hindi ko kayang wala ka. Sanay na ako na kasama ka..'' Namula kaming pareho sa tinuran ko. Saka naman lumabas si Daddy. Mabuti, hindi yata narinig.

No comments:

Post a Comment

Lakad na!

  Lakad na!     Kung kaya namang lakarin ang lugar na pupuntahan, huwag nang sumakay dahil ang paglalakad ay maraming benepisyo sa kat...