DENNIS' POV
Yari! Dumating si Mama. Maaga siya ngayon.
"Saan si Denise?" Nagtanong agad siya pagkababa ng bag sa sofa.
Hindi na ako nag-atubili. "Wala pa po. Nag-library raw po siya."
"Bakit `di na kayo nagsabay?"
"Mauna na raw po ako kasi may kakausapin pa. Nakauwi na ako, pero wala pa siya. Kaya tinext ko po kanina. Nasa library pa nga raw po siya."
"Okey kung gano'n. At least, nasa library."
Sana nga nag-library, naisip ko. Paano kung hindi?
After ten minutes, dumating na ang magaling kong kapatid. Tiningnan ako nang masama.
"Ang aga mo po ngayon, `Ma! Bakit po?" bungad ni Denise.
"Bakit late ka?" Iba ang tono ni Mama. Lagot siya. "Alas-sais na. Pang-umaga kayo, `di ba? Gan'yan ba ang gawain ng isang babae?"
Tiningnan niya uli ako, saka nagsalita. "Sinabi ko po sa kaniya na nag-library ako." Tinuro pa ako. Nakakayamot! Hindi niya ako pinangalanan. Ni hindi ako kinuya.
"Oo nga. Sinabi nga niya sa akin. Hindi ako naniniwala sa `yo."
"`Ma, pati ba naman sa pagla-library ay `di hindi n'yo pa kayang paniwalaan?" Dadabog-dabog pa siya. Gusto kong magsalita, pero pinilit kong huwag sumali.
"Uy, huwag mo akong astahan ng gan'yan, ha! Kailan ka pa natutong gumanyan sa magulang mo? Ang kuya mo ba ay nakita mong ginanyan ako?"
"Hindi po! Kasi mabait po siya. Magaling. Matalino. Masipag~"
"Mag-uusap tayo uli mamaya, pagdating ng Papa n'yo. Hala, sige... magbihis ka na." Napailing-iling na lang si Mama sa sobrang disappointment kay Denise. Hindi ko alam kong bakit nagkakaganyan ang kakambal ko.
No comments:
Post a Comment